TOIL 78
Maganda ang umaga kaya simulan natin sa pagbabasa. Maraming salamat sa paghihintay. Maraming salamat sa suporta. Maraming salamat sa walang sawang pagbibigay ng mga komentong mas nakakapagpataba ng puso. Nawa ay makasama kayo nina Jac, James, Alex at iba pang tauhan hanggang sa pagtatapos ng kwentong ito.
Please don’t forget to keep safe and stay healthy. Mahal ko kayo mga bhe. Mwuaaahhhhuggggz.
-MhireJed/ItinakdangAsul
* * * * *
JAMES
“I think she went to see her to stop her from leaving.” Huminto saglit si Jac sa pagsasalita. “But we all know na walang ibang pwedeng makakapigil sa pag-alis n’ya maliban kay Alex.” S’ya naman ang natigilan sa sinabi nito. “Kahit lumuhod pa s’ya doon at magmakaawa.” Binalot sila ng katahimikan pareho.
“James. Do you know how much I love my sister right?” iniwas nito ang tingin sa kanya. “Lahat kaya kong gawin para sa kanya. It pains me to see her that way. ‘Yong tipong may pwede naman sana akong gawin pero hindi ko ginagawa. Nakokonsensya ako.” Muli nitong ibinalik ang tingin sa kanya.
“Anong gusto mong gawin ko?” ewan kung saan nanggaling ang tanong na ‘yon.
“Should I—” muli itong huminto sa pagsasalita, “—should I—” tiningnan s’ya nito sa mga mata, “—should I just go back to Alex?”
“JAMES!” Napapitlag s’ya nang makarinig ng ilang katok sa table. Natuon agad ang mata n’ya kay Nolan na medyo nakakunot ang noo habang nakatitig sa kanya.
“Nolan?” tanging sambit n’ya.
“Kanina pa kita tinatawag.” Matipid na sambit nito. Sa halip na umimik ay tiningnan n’ya lang ito na tila ba nagtatanong. “May problema ka ba? Nag-away na naman ba kayo ni Jac?” pinilit n’yang ngumiti sabay iling. “Kanina ko pa napapansin that you’ve seem to be out of your mind.”
“Ano ka ba. ‘Di ka na nasanay sa’kin. I’m justing thinking of something. Don’t mind me.” Muli n’yang pinilit ngumiti. Napansin n’ya ang mapanuring titig ni Nolan na ‘di kalauna’y nawala din.
“Someone wants to talk to you.” Saglit na napakunot ang noo n’ya. Bigla kasing nagbago ang mood ni Nolan.
“Ouch.” Sabay pa silang napatingin kay Lexi na nakatayo sa nakabukas na pintuan.
"I told you to wait outside." Seryosong sambit ni Nolan na pinagwalang bahala ni Lexi.
“So, someone na pala ako, Nolan?” sinulyapan n’ya lang si Nolan na tila ba kapansin-pansin na hindi komportabla sa sitwasyon nito ngayon. Makailang beses na n’yang napapansin na para bang hindi na ito komportable sa presensya ni Lexi samantalang very welcoming pa ito doon dati.
“Lex.” Tanging sambit n’ya at saka tumayo pagkuway marahang tinapik sa balikat si Nolan giving him the assurance na okay lang na nandito si Lexi.
“Lunch?” sambit ni Lexi na hindi inalis ang titig sa kanya. “Don’t tell me tatanggihan mo pa ‘yong simpleng invitation ko? We’ve been doing this before, remember?”
Lunch na pala? Hindi na n’ya halos namonitor ang oras dahil sa pag-iisip sa sinabi ni Jac kagabi. Muli n’yang naalala ang sinabi pa noon kagabi
“If you—if you agree with it I’ll go back to him and—” putol na sambit ni Jac dahil bigla na s’yang nagsalita.
“NO!” mariing sambit n’ya.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories