TOIL 17

286 69 2
                                    

AN: FINALLY MATAPOS ANG ILANG DEKADA.. HAHAHA.. JOKE LANG.. NAKAPAG-UPDATE NA RIN ANG INYONG LINGKOD.. KAYO NA ANG BAHALANG MAGPASENSYA.. MASYADONG MAGULO ANG AKING UTAK NITONG MGA NAGDAANG ARAW... SOBRANG DAMING NANGYARI SA AKING BUHAY... HAHAHA..

--------------------------------------------------------------------

Samantalang...

Papasok na sana si James ng resto at kausap sa cell phone si Lexi nang mabunggo s'ya sa nagmamadaling babae. Binalewala lang s'ya noon kahit nag-sorry s'ya. Napalingon tuloy s'ya sa babae dahil sa tinuran nito. Hindi s'ya maaaring magkamali si Jamille 'yon.

It was an instinct. Kahit medyo malayo na 'yon sa kanya ay mas pinili n'ya ang sundan 'yon kesa sa tuluyang pumasok sa restaurant. Kapansin-pansin ang pagmamadalit nito at nakita n'yang natapilok pa nga dahil sa suot na heels. Mas nagtaka s'ya nang hubarin nito ang suot na heels at iwan na lang 'yon doon. She's now on her bare foot.

Bago pa man s'ya makalapit ay nakasakay na 'yon ng taxi. Sa halip na ipakuha ang kotse n'ya ay sumakay din s'ya sa kasunod na taxi upang sundan 'yon. Sobrang bigat ng pakiramdam n'ya lalo na nang muling mag-flash sa isip n'ya ang mukha noon. He saw her face. Hindi s'ya pwedeng magkamali. She's indeed crying.

"Anong ginagawa mo dito? Anong problema?" piping tanong n'ya sa isipan.

Samantalang sa loob ng taxing sinasakyan saka lang naramdaman ni Jamille ang sakit ng paa dulot ng pakakatapilok. Pero higit pa doon mas masakit 'yong nararamdaman ng puso n'ya. Ang mukha ng babaeng 'yon ay matagal na n'yang hinintay na muling makita pero nakita n'ya nga sa maling pagkakataon at sitwasyon.

Ang luhang naglalandasan sa mukha n'ya kanina ay tuluyan pang nadagdagan. Ngayon kailangan n'ya ang yakap ng kapatid pero wala 'yon para gawin 'yon. Tumunog ang cell phone n'ya pero sa halip na sagutin ay pinatay n'ya 'yon nang makitang si Alexander ang tumatawag. She's not ready to answer the phone. Ayaw n'ya ring makausap 'yon. Hindi s'ya tumuloy sa inuupahan sa halip ay nagpahatid s'ya sa isang lumang restaurant. Humiram pa s'ya ng pamasahe kay Mang Austin dahil naiwan n'ya ang bag sa table nila ni Alexander.

"Bakit ako pa? Bakit kailangang s'ya pa? Bakit ang unfair N'yo? Ano bang ginawa ko sa Inyo? Mahal ko na nga 'yong tao tapos kontra pa Kayo. Ayaw n'yo ba talaga akong maging masaya?" She cursed the heaven as she cried without sound inside the room of that old restobar.

Hindi naman na tuluyang nasundan ni James si Jamille dahil nasiraan pa ang sinasakyan n'yang taxi. Hawak-hawak ang wedge na pinulot n'ya kanina sinubukan n'yang tawagan ang phone noon pero bigo s'yang ma-reach 'yon. Nagsend na lang s'ya ng text message kay Alex na hindi makakarating sa usapan na ni-replyan naman kaagad noon ng okay. Si Lexi naman ay ganun din.

Habang umiiyak si Jamille ay bakas naman ang pag-aalala sa mukha ni Alexander dahil hindi na s'ya bumalik. It was one of the server who told him na nagmamadali nga daw umalis si Jamille. Nag-alala s'ya ganun dina ng mga magulang n'ya lalo na't hindi man lang ito nagpaalam sa kanya.

He desperately look for her pero bigo s'yang makita 'yon sa inuupahang bahay kaya sa isang lugar n'ya 'yon pinuntahan ngunit bigo rin s'yang makita 'yon doon dahil si Mang Austin lang ang humarap sa kanya. Nag-aalala s'ya ng sobra pero wala na s'yang ibang alam na pwedeng puntahan noon. Sinubukan n'yang tawagan si Daniella pero hindi n'ya ginawa dahil ayaw n'yang mag-alala pa 'yon. Kaya kahit paulit-ulit, kahit walang kasiguruhan sinubukan n'yang i-dial ang number ni Jamille ng paulit-ulit pero bigo s'ya at nakatulugan na n'ya 'yon.

...

Two days ding halos walang tulog si Alexander dahil sa pag-aalala. Wala namang ibang ginawa si James kundi titigan ang wedge na nasa kwarto n'ya, hindi na s'ya nakapagconcentrate sa business plan dahil kay Jamille. Paulit-ulit na bumabalik sa isip n'ya ang mukha noon na may luha.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon