CH 16
Mabilis na lumipas ang mga araw. Naiwan na s'ya sa inuupahan dahil nag-start na ang training ni Daniella. Mag-isa lang s'ya pero hindi n'ya naramdaman 'yon dahil kay Irish at kay Alexander. Lalo lang s'yang napalapit sa lalaki. Ang paghihiganting iniisip n'ya para pasakitan sana si Lexi ay hindi na n'ya itinuloy. Nagpalit na rin s'ya ng number upang hindi na s'ya ma-contact ni James. Ayaw n'yang gamitin ang lalaking 'yon para lang saktan ang babaeng nanakit sa kapatid n'ya. At higit pa doon handa na s'yang tanggapin pa si Alexander ng buong-buo.
Nagdisisyon na s'yang unti-unting kalimutan ang galit at pangungulilang nararamdaman para sa ina na s'yang nagiging dahilan upang pigilan n'ya ang magmahal. Nagpasya na rin s'yang hayaan na lang si Lexi sa kabila nang mga ginawa nito sa kanya. Nagawa n'ya 'yon dahil kay Alexander at para kay Alexander. Hindi n'ya sasayangin ang mga bagay-bagay para lang sa galit. Kaya naman mas pinili n'yang maging masaya at sundin ang payo ng kapatid n'ya—ang bigyan naman n'ya ng oras ang sariling maging masaya. At sigurado s'yang si Alex ang makapagdudulot sa kanya noon.
"Surprise? What kind of surprise?" ani James sa kausap sa cell phone.
"You mean ipapakilala mo na s'ya kay Tita? Eh diba kararating lang ni tita kahapon." Muling saad nito ng sumagot ang kausap sa kabila.
"Kahit sa picture hindi pa s'ya nakikita ni tita? Well, possible 'yon kasi kahit nga sa'kin hindi mo ipinapakita kung ano nga bang hitsura ng babaeng sinasabi mong destiny mo."
Muli ay nailing na sambit nito. "Okay sige. Be there. Isasama ko na rin si bhe, siguradong sabik na 'yong makilala ang magiging new princess mo. Baka nga magselos pa 'yon." Muling tugon ni James at saka ibinaba ang cell phone.
"Did I just heard my name? Namiss mo 'ko?" saad naman ng kapapasok lang na si Lexis sa kwarto n'ya. "Namiss mo agad ako eh parang ilang araw lang ako sa Cebu ah." Muli ay sambit nito.
"Oo! Namiss kita ng sobra." Pagsang-ayon na lang ni James upang hindi na s'ya kulitin pa noon. "Nga pala, we'll be attending Alexander's date mamaya." Dagdag niya at saka umalis na sa kama.
"Date? Did you mean D-A-T-E? As in DATE? With whom?" halos hindi makapaniwalang tugon ni Lexi.
"That, we'll know later." Aniya at umalis na sa kama. "Bigla-bigla nga daw eh. Surprise date kasi yon. Hindi din alam ng new princess n'ya na ipapakilala na n'ya 'yon kay tita." Ani Airyl at lumabas na ng kwarto na kasunod naman si Lexi.
"What? Don't you think it's quite romantic? I mean sobrang swerte nong girl na 'yon. Bukod sa gwapo na si Alex eh super sweet pa." ani Lexi habang kasunod n'ya.
"Ang sabihin mo baka biglang takbuhan s'ya nong girl since binigla n'yang ipakilala." James replied while grinning.
"Ang sabihin mo wala ka lang arte sa katawan. Tsaka akalain mo 'yon natagpuan na n'ya 'yong girl na gusto n'ya samantalang ako—"
"Andyan ka na naman. Darating at darating din 'yong para sa'yo." Ani Airyl. "Oh! Sya nga pala si Jamille, alam mo ba na ba kung saan nag-i-stay? I really want to see her. 'Yong pinagwoworkan n'ya alam mo na ba?" bago n'ya sa usapan.
Nagbago ang reaksyon ni Lexi. Kanina lang hyper ito pero nang marinig ang pangalan ni Jamille eh animo nanghina ito.
"A-actually, wala pa eh. Wala pang report 'yong inutusan ko." pagsisinungaling nito at ibinaling ang tingin sa dining table. "Oh sakto nagugutom na ako." Anitong muli at saka lumapit doon.
"Ganun ba. Okay lang 'yon. Baka may good news naman si Nolan." Ani James at naupo na rin sa harapan n'ya saka nagsimulang kumain.
"Hinahanap din s'ya ni Nolan?" ani Lexi na natigilan na tinanguan na lang n'ya. "Ah, okay." Tanging sambit nito sa tinuran n'ya.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories