TOIL 22
Makailang ulit na tiningnan ni Alexander ang opisina ni Jamille pero wala pa rin 'yon doon. Hindi n'ya naman matawagan dahil nakitext 'yon kay Cyrun kahapon at naiwan ang phone sa opisina. Hindi n'ya rin naman ma-contact si Irish. Wala namang number si Daniella sa kanya. Hindi din s'ya makaalis sa opisina at any time magsisimula na ang meeting n'ya with the new investor.
"Mench, text me kapag dumating na s'ya ha?"
"Yes po Sir."
Bumalik na s'ya sa office. Hindi n'ya maintindihan kung bakit nag-half day 'yon kahapon at sobrang late naman ngayon. Medyo stress nga s'ya dahil inatake ang papa n'ya pero mas pinili n'ya pa rin isipin si Jamille. Pakiramdam n'ya kapag wala 'yon lalo lang nadadagdagan ang mga isipin n'ya.
---
Hindi naman makapaniwala si Lexi sa nalaman mula kay Mrs. Avergonzado kagabi. Hindi n'ya lubos maisip na ang babaeng tinutukoy at ikinukwento sa kanya ni Alexander ay ang parehong babaeng gusto rin ni Airyl.
"Tita, kilala n'yo ba si Jamille?"
"Lexi, s'ya 'yong tinutukoy ni Alexander. S'ya ang soon to be girlfriend ng kaibigan mo."
Kagabi pa hindi maalis sa isipan n'ya ang sinabing 'yon ni Mrs. Avergonzado. Hindi n'ya inasahan ang katotohanang 'yon. So kahit ano talagang mangyari pinagtatagpo ang landas nila ni Jamille.
"Magkakilala kayo, hindi ba? You lied when you said hindi mo s'ya kilala. Tama ba ako Lexi?"
Hindi n'ya rin inexpect ang tanong na 'yon ni Mrs. Avergonzado sa kanya kagabi. She just nodded as a respond. Hindi n'ya sinabi dito na 'yon din ang babaeng gusto ni Airyl.
"Bakit ka n'ya sinampal? I guess I need to know."
She said it was just a misunderstanding. Hindi naman na s'ya tinanong pa noon nang sabihin n'yang misunderstanding lang ang dahilan.
Alam n'yang nasa loob si Airyl kaya nga hinila n'ya si Jamille sa parking area. Dumating kasi 'yon na kasama ni Alexander. Hindi n'ya naman inasahang susundan s'ya ni Mrs. Avergonzado para ibigay ang naiwan n'yang cell phone. Pasalamat na lang s'ya at ang nasaksihan lang talaga noon ay 'yong pagkakataong sinampal s'ya ni Jamille dahil kung nagkataong napa-aga 'yon magiging masama ang imahe n'ya doon.
---
"Uuwi ka ng Cebu?" halata ang pagkabigla sa mukha ni Nolan nang tanungin nito si Airyl. Hindi talaga nito inasahan ang sinabi n'ya.
"Pagkatapos nong nangyari kay Tito Julian, I guess I really need to see them." Inayos naman ni Airyl ang wristwatch n'ya nang sagutin si Nolan. "And you have to come with me." Dagdag pa nito.
"What about Lexi? Hindi ba natin s'ya isasama?"
"No. I don't think so." Maigsi n'yang sagot at pinuntahan ang drawer ng desk. Kinuha nito ang bracelet at isinilid sa bulsa ng pants. "We'll go to Cebu after I see her." Makahulugan n'yang sambit na ang tinutukoy na her ay si Jamille.
"Don't tell me you're going to bring that with you?" Puna ni Nolan nang makita 'yon.
"This is my lucky charm." Nakangiti n'yang sagot saka lumabas na ng study room. "Alam mo na ang address n'ya?" bago n'ya sa usapan na pasimpleng tinanguan naman ni Nolan. "Really?" Halos manlaki ang mata n'ya dahil sa narinig. "Ano pang ginagawa natin? Tara na. I want to see it."
"All I ever got is her number other than that wala na eh. Medyo malihim din pala s'ya." Ani Nolan na tinapik n'ya naman sa balikat.
"Address lang okay na. Wala ka ng iba pang dapat na alamin tungkol sa kanya. That would be my job. Halika na! Samahan mo na ako." Aniya at inakbayan na si Nolan palabas ng bahay. Nagpatianod na lang naman si Nolan sa kagustuhan n'ya.
---
AN: Feedback is very much appreciated.. :)
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories