TOIL 82
Hi,
Kumusta ka?
Kumusta kayo? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Sana ay ligtas ka at walang dinaramdam.
Kung sakali mang ikaw ay may pinagdadaanan, nasisiguro kung malalagpasan mo rin ang lahat ng iyan. Nawa'y maibigan mo ang kwento nina Alex, Jac at James.
Mag-ingat ka parati at hiling ko parati ang iyong kaligayahan.
-MhireJed/ItinakdangAsul
* * *
MRS. MATIENZO
"Going somewhere?" napansin n'yang tiningnan ni Jac ang repleksyonsa repleksyon n'ya sa salamin kung saan ito nakaharap ngayon. Marahang pagtango lang ang itinugon nito sa kaniya. Pumasok na syang tuluyan sa silid nito. Saglit n'yang pinagmasdan ang kilos nito pagkuway bumuntong-hininga.
"May problema ba Ma?" napansin siguro nito ang pagbuntong-hininga n'ya. Ngayon ay nakuha n'ya na ang buong atensyon nito. Naupo s'ya sa gilid ng kama at iniwas ang tingin dito.
"I've heard from Trina na lalabas ka tonight with Alex?" She heard her sigh kaya ibinalik n'ya ang tingin dito. "May hindi ka ba sinasabi sa'kin?" nagsalubong ang kilay nito sa tinuran n'ya. "I mean, what's the real score between you and Alex?" Nag-aalangan pang sambit n'ya. "Are you trying to get back at him and—"
"No Ma." Mabilis na putol nito sa tanong n'ya. "Alex and I—" tila ba nag-isip pa ito ng tamang sasabihin, "—we're not friends—we're not trying to—we're not trying to get back at each other—" kapansin-pansin ang tila ba pagkakabuhol-buhol ng mga salita nito, "—we're just—" naging malikot ang mga mata nito at hindi 'yon nakalusot sa paningin n'ya. Something is really happening. She can tell.
"Sinusubukan mong bumalik kayo sa normal? Just like what you and him two years ago?"
"No Ma." Pagtanggi nitong muli. "I'm just trying to—"
"Is going out with him part of you plan?" Natigilan itong saglit pagkuway tumango ng marahan sa kaniya. "So, going out with him does not mean anything to you at all?" muli itong tumango sa tanong n'ya. "Alam n'ya bang itong paglabas-labas n'yo eh walang ispesyal na kahulugan?" hindi ito sumagot sa tanong n'ya kaya naman huminga na lang s'ya ng malalim. "Marami na kayong ginagawang hindi ko alam, Jac." iniwas n'ya ang tingin dito.
"Ma."
"I know what you're trying to do Jac. You don't want me to get involve because you're protecting me. Pero I just want you to know that I'm willing to do anything too, to protect you. I just want you to be safe." Ginagap n'ya ang kamay nito at marahang pinisil. "Napakaimportante mo sa'kin anak. Hindi ko alam kung anong magagawa ko 'pag nawala ka." Pinisil din nito ang palad n'yang nakahawak sa kamay nito.
"Ma. Lalabas lang ako with Alex. It's nothing special and not a dangerous thing as well. Kaya kalma lang po ha? I'll be safe." Anito at saka sinulyapan ang suot na wristwatch.
"I know you have plans pero may tanong pa akong isa. Okay lang naman diba? Pero kung makakadelay ako sa lakad mo then—"
"Ano ka ba Ma. Of course, okay lang. He can wait." Nakangiting sago nito. "So, what is it that you want to know?"
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories