A.N.: Yow! kamusta mga babez? Palapit na tayo sa katapusan. Wala ng bitawan. Support naman jan 😉 .. Salamat sa lahat ng nakaabang at nag-aabang. Mahal ko kayo. Para sa inyo ang update na 'to 😘 .
-- -- -- -- -- -- --
TOIL 72
TRINAKanina n’ya pa napapansing hindi mapakali si Mrs. Matienzo pero hindi lang s’ya umiimik. Kitang-kita n’ya sa mukha nito ang pag-aalala. Huminga muna s’ya ng malalim at saka naupo sa sofang nasa harapan lamang nito.
“Jac can handle that Tita. No need to worry.” Sinulyapan s’ya nito at napansin n’yang pansamantalang umawang ang bibig pero wala namang sinabi.
“Tita?” she uttered.
Napahawak ito sa ulo pagkuway umayos ng pagkakaupo at hinarap s’ya.
“That pouch, her gun is in it, right?” Tumango s’ya ng marahan. Mas naging kapansin-pansin ang pag-aalala sa mukha nito.
“May problema po ba Tita?” maging s’ya ay nagsimula na ring mag-alala.
“Did you check it?” napakunot ang noo n’ya sa tinuran nito. “Trina, last night chinek ko ang mga gamit ni Jac. Alam ko kung gaano s’ya ka-reckless so I removed the bullet in it.”
“What Tita?” Hindi n’ya mapigilang mapalakas ang boses kasabay ng mabilis na pagtayo.
“I just want to make sure she’s—”
“I’ll go and check on her.” Putol n’ya sa mga sasabihin pa sana nito at mabilis naman itong pumayag sa sinabi n’ya. Without another word she went out of the mansion.
JACHindi na n’ya naituloy pa ang pagbilang dahil kasabay ng pagbaba ni Alexander sa baril ay ang pagkalabit naman nito sa gatilyo noon dahilan upang pumutok ‘yon. Dahil sa gulat ay nakalabit n’ya ang gatilyo ng baril na hawak n’ya ngayon. Mabilis na nabitiwan ni Alex ang baril dala na rin siguro ng pagkagulat at s’ya nama’y naalpasan din ang hawak nab aril.
Pakiramdam n’ya saglit na huminto ang tibok ng puso n’ya. Nanlamig ang kamay n’ya at pakiwari n’ya ay namutla s’ya. Parang saglit din s’yang nabingi. Maging ang paningin n’ya ay saglit na tila ba nanlabo rin. Nakababa na ang kamay n’ya pero ramdam n’ya pa rin ang panginginig nito.
Hindi n’ya akalaing ganito pala ang pakiramdam ng natatakot sa kamatayan. Akala n’ya two years ago kapag dumating sa puntong kailangan na n’yang mamatay ay handa na s’ya pero ngayon ipinamukha sa kanya ng reyalidad na hindi s’ya kailanman magiging handa.
“Jac.” Naramdaman n’ya ang yakap ni Mrs. Avergonzado na tuluyang nakapagpabalik sa kanya sa katinuan. Nakita n’ya rin ang nagmamadaling anyo ni Alexander na palapit sa kanya pero natigilan ‘yon nang masalubong nito ang mga titig n’ya.
“I’m glad you’re safe.” Gusto n’yang gumanti ng yakap pero mas pinili n’yang itulak ito ng marahan upang makaalis sa pagkakayakap sa kanya.
“And I’m glad that you’re son is safe as well.” She tried to sound sarcastic. “I did my part, you have to do yours now.”
Napansin n’yang tinungo ni Angela ang lugar kung saan nabitiwan ni Alexander ang baril na hawak. Nang makuha ‘yon ay nagtangka na ‘yong iwanan sila pero kinuha n’ya ang atensyon nito.
“Kailangan mo rin ‘tong mapakinggan, Angela. We’re all in this together.” Napansin n’ya ang pagtataka sa mukha nito.
“J-Jac, a-are you o-okay?” kinagat n’ya ang ibabang bahagi ng labi dahil sa tanong ni Alexander.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories