TOIL 51
LEXIHindi pa rin s’ya makapaniwala sa nakita n’ya kanina. Mas dapat sanang umalis na lang s’ya sa lugar na ito pero napigilan ‘yon nang mula sa kamay n’ya ay humulagpos ang paper bag na dala n’yang may lamang wine. Kabaligtaran ng iniisip n’yang reaksyon ni Jac ang nasaksihan n’ya.
For her Jac seems to be quite fine. Parang hindi man lang ito naging apektado sa nangyari sa kapatid. Parang wala man lang itong pakialam sa nangyari sa kapatid.
“Sorry kasi hindi ko agad nasabing parating si Lexi. She invited me to dinner kaya naman kesa lumabas pa eh di dito ko na lang s’ya ininvite.” Tiningnan n’ya ito habang nagpapaliwanag kay James na kanina pa walang salita. Tahimik lang itong kumakain.
Nakakainis. Hindi n’ya maintindihan pero pakiramdam n’ya kanina pa s’ya iniinis nitong si Jac. After seeing that kiss awhile ago pakiramdam n’ya hinang-hina s’ya.
“I heard about Kapatiran. Okay lang ba talaga ang kapatid mo?”
You better respond to my question bitterly. ‘Yan ang bulong n’ya sa sarili pero laking gulat n’ya nang makitang ngumiti lang ito sa kanya na tila ba hindi man lang naapektuhan nang ipaalala n’ya ang nangyari sa resto ng kapatid.
“Wala namang nasaktan sa kanila. The resto will be renovated and will start the operation after two weeks, I guess.” kalmado at tila ba hindi apektadong sagot nito sa kanya.
“Buti na lang nandun si James kanina. I felt so relieved.” Ipinatong pa nito ang kamay sa kaliwang kamay ni James na nakapatong sa mesa.
“Thank you.” mahina pero rinig n’ya ang pagkakasabi nito kay James. Ngumiti naman ito at saka pinisil ang kamay ni Jac. Napaghigpit lang lalo ang hawak n’ya sa kutsara’t tinidor.
“Is this penthouse yours?” Wala na s’yang maisip na itanong. Nawawala s’ya sa pokus habang tinitingnan n’ya ang kamay ng dalawang hindi pa rin naghihiwalay.
“Yeah. Mabuti na nga lang at sa floor na ‘to rin lang ang condo ni James.” Nakangiti pa itong nagsalita at sinulyapan pa si James bago tuluyang binitiwan ang kamay noon.
“What?” Hindi n’ya na alam kung masyadong obvious na nabigla s’ya sa sinabi nito.
“Hindi mo alam? I thought you’re bestfriends?” Pakiramdam n’ya binubwiset talaga s’ya nito. The question is quite striking.
“But I can say mas malaki lang ‘yong sa kanya.” dugtong pa nito.
“I mean his penthouse. I’ve been there but just once.” paglilinaw nito na mas lalo lang lumapad ang ngiti.
“Hindi mo nabanggit na bumili ka pala ng bagong unit?” Ibinaling n’ya ang mata kay James.
Simpleng ngiti lang ang iginawad nito sa kanya. Ganun na ba talaga ‘to kaiwas sa kanya? Wala naman s’yang ginawang masama para umiwas ito sa kanya. Ibinaling n’ya ang tingin kay Jac na nakikinig lang naman sa kanila.
“Bhe!” She has to call James this way.
Ito naman talaga ang tawag nila sa isa’t isa dati. Nagbago na nga lang ito dalawang taon na ang nakakaraan. Parang hindi na ito ‘yong bestfriend na nakilala n’ya. Napansin n’ya ang saglit na pagkunot ng noo ni Jac. Mukhang sa pagkakataong ito nakuha n’ya ang atensyon nito.
“Bhe?” Curious na tanong nito sa kanya.
“That’s our call sign.” she proudly answered. There. She has to get even with Jac. She’s going to use her friendship with James to get even with her.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories