TOIL 12

334 72 4
                                    


CH 12

Naging mainit naman ang pagtanggap kay Jamille ng mga katrabaho n'ya. Hindi naging mahirap para sa kanya ang unang pitung araw n'ya sa kompanya nina Alexander. Bagaman, hindi n'ya pa rin maiwasang bumilis ang tibok ng puso sa tuwing lalapitan at ngingitian ng itinuturing n'yang boss. Ang siste pa, ang office n'ya ang malimit na puntahan noon just to check if she's doing fine o kung nag-lunch na s'ya o kung pagod ba s'ya.

Aminin n'ya man o hindi nasasanay s'ya sa prisensya at pag-aalala ng lalaking 'yon. Ewan pero sa tuwing titingnan n'ya kasi 'yon nalilimutan n'ya ang mga alalahanin n'ya. It's as if Alexander is her medicine.

"I've a good news for you. You're to meet with the investor tomorrow at Hongkong. So please prepare yourself." Boses ni Alexander ang nakapukaw ng atensyon n'ya habang nakatuon ang mata sa monitor ng computer.

"H-hongkong?" aniyang hindi makapaniwala. First time n'yang mag-a-out of the country kapag nagkataon.

"Yes. You're to go to Hongkong to meet with the investor." Nakangiting sambit nito na muling nakapagpabilis ng tibok ng puso n'ya.

Natigilan talaga s'ya. Hindi n'ya talaga inasahan 'yon kasi nga parang kelan lang naghahanap pa s'ya ng trabaho tapos ngayon pupunta na s'ya ng Hongkong.

"Ano pang tinitigil mo d'yan. Tara. Lunch out." Ani Alexander na ikinakunot ng noo n'ya.

"Tinanggihan mo ako yesterday kaya dapat hindi mo 'ko tanggihan ngayon dahil may dahilan na kung bakit kailangan nating mag-lunch out." Muling sambit nito.

Wala na s'yang magawa kundi ang sumunod na lang sa kagustuhan nito. Hindi n'ya talaga maintindihan ang sarili kung bakit napapayag s'ya noon sa lahat ng gusto nito.

Samantalang, nababagabag naman na si Lexi dahil wala man lang s'yang kahit anong natatanggap na tawag mula kay James. Sinubukan n'ya namang tawagan 'yon pero hindi naman 'yon sumasagot. Hindi tuloy s'ya makapagconcentrate sa business proposal na ginagawa n'ya.

***

"I book you a flight to Hongkong. You'll be leaving later." Napakunot naman ang noo ni James sa tinuran ng kaibigan.

"Flight to Hongkong?" takang tanong n'ya.

"Yes! Tumawag na si Mr. Rodriguez. Nasa Hongkong s'ya tomorrow and he wants to meet you there." Masayang sambit ni Nolan.

"Really? So that means may possibility na tanggapin n'ya ang offer natin?" aniyang hindi rin makapaniwala.

"Dahil positive ka lagi I'm sure may possibility."

"By the way, tumawag ka na ba kay Lexi?" bago n'ya sa usapan.

"She's not picking up. Pero malamang nagpapalipas pa rin lang 'yon ng sama ng loob. 'Wag mo na lang munang isipin 'yon. Ako ng bahala doon." Worried pa rin s'ya sa bestfriend since simula nong birthday nito ay hindi na sila nagkausap.

***

"After this lunch I'll bring you home para makapag-prepare ka na. Mamaya na ang flight mo." Ani Alexander sa gitna ng lunch nila.

"Mamaya na? Ganun kabilis?"

"Oo. Kaya nga ihahatid kita sa inyo at sa airport later." Nakangiti pa rin ito sa kanya. Pakiramdam n'ya sinasadya talaga nitong ngumiti para tunawin ang puso n'ya. Isa pa at lusaw na talaga 'yon.

"Kailangan pa ba talaga 'yon?" Sa halip ay saad n'ya.

"Alin? 'Yong i-meet ang investor? Syempre naman."

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon