TOIL 35

336 78 21
                                    

JAMILLE AUDREY CHANDRIA

She wanted to refuse pero mapilit si Airyl. Wala na s’yang choice kaya naman ng she told him the address kung saan s’ya ihahatid nito. Nakarating naman sila ng safe sa nasabing lugar.

“Oh? Hotel? So dito ka nagsi-stay?” bakas ang pagtataka sa mukha ni Airyl nang marating ang sinabi n’yang address. “Why?” nagsalubong naman ang kilay n’ya sa tanong na ‘yon ng lalaki, though napaghandaan na n’ya ang tanong na ‘yon.

“Hindi purket nag-re-rent lang ako ng isang simpleng apartment hindi na ako pwedeng mag-stay sa isang hotel.” She said while smiling at saka lumabas na ng kotse. Hindi na n’ya hinintay na muli pa s’yang pagbuksan nito ng pintuan ng sasakyan.

“That’s not what I meant.” Narinig n’ya pang sambit ni Airyl. Napansin n’ya rin ang mabilis na pagtanggal nito sa nakakabit na seatbelt. Mabilis rin ‘yong nakalabas ng sasakyan. “Ang ibig kong sabihin eh bakit dito? Sinong kasama ng kapatid mo?”

“Do you want to know a secret?” she asked him as a respond. Gusto n’ya talagang mabago ang usapan.

“Secret?”

“I really like you.” Ito na ang pagpapatuloy ng kanyang kasinungalingan. Pero since she started it kailangan n’ya na talagang pangatawanan.

“It started when we met at Hongkong, when I realized that you’re the first guy who made me smile again.” Napalunok ng laway si Airyl sa sinabi n’ya. “It may sound absurd but at least let me tell you that before I leave.” Aniya at saka iniiwas ang tingin sa lalaki.

“Leave?” curiously, Airyl added. She nodded as a respond. “You’re leaving? Why?”

“Because I have to. For my sister and for me as well. I have to leave. That’s another secret. Dalawang sekreto na ang nakukuha mo sa’kin.” aniya saka tiningnan ang cell phone nang tumunog ‘yon. Si Mrs. Matienzo tumatawag na naman pero sa halip na sagutin ay mas pinili n’yang ibalik ang cellphone sa bag. “Kailangan ko ng pumasok.” Paalam n’ya sa lalaki. Kailangan na talaga n’yang umalis dahil masyado ng maraming kasinungalingan ang nasasabi n’ya ngayon araw.

“Why? Why do you have to leave? Saan ka pupunta? Magkasama ba kayo ng kapatid mo?” Tanong nito sa kanya. Saglit s’yang natigilan sa tanong na ‘yon nang maalala n’ya ang kapatid.

“That’s another secret I can’t tell you.” Nakangiti n’yang sambit nang makabawi sa sitwasyon. “Sige. Thanks for the ride.” Aniya at saka tinalikuran na si Airyl. Ayaw na n’yang humaba pa ang usapan nila dahil naiilang na s’yang magsinungaling pa. Kailangan na rin n’yang bumalik sa unit kung saan naghihintay si Mrs. Matienzo.

“Jamille.” Boses ni Airyl ‘yon.

Ayaw na n’yang lingunin pa ‘yon but she needs to, she has to. Again, she wears her fake smile when she looked back at him. Hindi n’ya alam kung napansin ni Airyl ang pilit n’yan ngiti pero mas pinili n’ya pa ring ngumiti ng lingunin ang lalaki.

Nagtama ang mga mata nila. Katulad kanina, nakangiti pa rin ‘yon sa kanya. Pakiramdam n’ya napakatagal ng panahon habang kasama n’ya ito. Mas napagmasdan n’ya ng mas malalim ang lalaki habang lumalakad ito palapit sa kanya. Ngayon n’ya lang napagtantong gwapo ang lalaking ito na kinababaliwan ni Lexi. Kapansin-pansin rin ang pakiwari n’ya’y nakakatunaw nitong ngiti.

Saglit s’yang natigilan nang bigla nitong hawakan ang kanyang mga kamay. Pakiwari n’ya ay nanlamig ang buo n’yang katawan.

“I may sound ridiculous but Jamille YOU—” he paused for a while habang hawak pa rin ang kamay n’ya,  “—YOU are my first love.” Mahinahon pero sa pakiramdam n’ya ay parang isang sigaw ang mga katagang ‘yon ng lalaki. “Sabi nila hindi totoo ang mga first love pero ako ang makapagpapatunay na totoo ‘yon. ‘Yon ay dahil ikaw ang first love ko.” nakaramdam s’ya ng pagkakonsensya sa sitwasyon nila ngayon.

Umarte s’yang animo nagulat sa rebelasyon ni Airyl kahit pa alam n’yang may posibilidad na sabihin nito ‘yon. Nabasa n’ya sa letter ni Kharis na gusto s’ya nito. Kaya nga she’s using that situation para mapalapit dito eh.

“Attracted ka sa’kin but I’m in love with you.” Muli ay sambit nito sa kanya na hindi pa rin binibitiwan ang kanyang kamay. “It’s not just pure attraction, Jamille. It’s love. I want you to know that. I’m so in to you. You’re that one. The one I truly love.” Muli ay rebelasyon nito sa kanya.

Nanuyo ang lalamunan n’ya. Saglit na huminto ang oras n’ya dahil sa narinig. Bigla tuloy s’yang nagdalawang isip. Talaga bang handa na s’yang gamitin ang lalaking ito para sa plano n’ya? Handa na ba s’yang wasakin ang buo nitong puso para lang makapaghiganti? Natigilan talaga s’ya.

That was too early for a confession pero ayaw ng sayangin pa ni Airyl ang pagkakataon. Sinabi na n’ya ‘yon hindi dahil nalaman n’yang attracted sa kanya si Jamille kundi dahil ‘yon ang matagal na n’yang gustong sabihin pa dito. Hindi s’ya nagsisinungaling. Mahal n’ya nga ito at totoo ang lahat ng sinabi n’ya at maging ang nararamdaman n’ya.

“Attracted lang ako sa’yo Airyl but I never said that I’m in love with you.” Ani Jamille. Alam naman n’ya ‘yon. Pero para sa kanya doon naman talaga nagsisimula lahat.

“I know. But then I don’t want to waste time. Kaya nga kahit alam kong parang ang bilis I have confessed my feeling. When I saw you at—” Hindi na naituloy pa nito ang sasabihin nang sumabad na agad s’ya.

“I’m leaving. Hindi ko alam kung gaano katagal. If you’re really in love with me then can you do me a favor, Airyl?”

Kung pakapalan na ng mukha ang labanan, malamang si Jamille na ang panalo ngayon. It was just a thought. Since kailangan n’ya rin naman ng alas. Si Airyl ang nag-iisang alas na pwede n’yang panghawakan laban kay Lexi at kahit na may pagdadalawang isip pa ay hahawakan na n’ya ang lalaking ito.

“If you really do like me, pwede bang JAC ang itawag mo sa’kin instead of Jamille? Pwede ba ‘yon?” she uttered.

“JAC?” Saglit na napangiti si Airyl sa narinig. “Alam mo, pakiramdam ko talaga we’re meant to be.” Nagsalubong ang kilay n’ya sa tinuran nito. “See you’re name is Jamille Audrey Chandria while mine is James Airyl Chris. Kapag abbreviation ang pagbabasehan, we both have JAC. Our names are meant to be and I’m thinking of us too.” Anito na saglit na ikinaisip n’ya. Pareho nga naman sila ng abbreviation ng pangalan pero ‘yong meant to be? She really don’t think so. Bukod kay Drake si Alexander lang ang lalaking nakapagpagulo ng mundo n’ya. Si Alex lang at wala ng iba.

“Well, our names are.” Tatango-tangong sambit n’ya. Isinahod n’ya ang kamay sa lalaki na saglit namang ikinakunot ng noo nito. “Your phone.” Aniya at mabilis namang iniabot ng lalaki ang cellphone sa kanya. “I saved my new number.” Aniya.

“New number?” makahulugang tanong nito sa kanya. She nodded as a respond. “Bakit?” muli nitong tanong sa kanya.

“Lahat ba sa’yo dapat may dahilan?” balik tanong n’ya sa lalaki.

“No, I mean—” he paused for a while, “—may problema ba?” umiling s’ya bilang tugon sa tanong nito.

“Airyl, will you be there for me kung kailangan kita?” kinapalan na n’ya ang mukha. Kailangan n’ya ng may mapanghahawakan. Kailangang siguraduhin n’yang pasukin ang mundo ng lalaking ito.

“Of course. Anytime.” Mabilis na tugon nito sa kanya. Matipid na ngiti ang muli n’yang ipinukol dito. Huminga s’ya ng malalim saka marahang dinampian ng mabilis na halik sa pisngi ang lalaki na halata namang ikinabigla nito. Kinuha n’ya ang pagkakataong ‘yon upang mabilis na lumakad palayo sa lalaki.

“I’m sorry.” Mahina, maikli ngunit bukal sa pusong usal n’ya habang naglalakad palayo kay Airyl.

“I’ll call you.” Narinig n’ya pang sigaw ni Airyl sa kanya pero mas pinili n’yang ‘wag ng lingunin pa ang lalaki. “Good night.” Muli n’yang narinig na sambit nito sa kanya.

“Ito ang simula ng hindi magandang gabi sa buhay mo. Patawarin mo sana ako.” Muli ay piping usal n’ya hanggang sa tuluyan na s’yang makapasok sa lobby ng hotel.


To be continued...

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon