Two years later
IRISH
"Daniella, 'yong order nong sa Table 4." Ani Irish na taong counter.
"Coming." Tugon naman ni Daniella na may tray ng pagkain na dala.
"Fhaye 'yong sa Table 14." Muli ay remind ni Irish. Lumabas naman si Irish na may dala ding tray at pagkuway nginitian na lamang ito.
"Irish, iha. Kumain ka na ba? Kanina ka pa d'yan sa counter hindi ka pa ata nag-aalmusal." Saad naman ni Mang Austin na galing pa sa loob ng restaurant.
"Tay naman, I'm on a diet po." Pabirong tugon n'ya. Napansin n'yang saglit itong tumingin sa mga customers na nasa kani-kanilang table. "Tay, senti ka na naman." Hirit pa n'ya.
"Kung nakikita lang 'to ni Jamille, paniguradong abot tenga ang ngiti noong batang 'yon." natahimik rin s'yang saglit nang mabanggit ang pangalan ng kaibigan. "Oh, s'ya sige ako'y babalik muna sa kusina at ng—"
"Ang sabi ko naman po sa inyo, pahinga kayo ng Sunday. Kayang-kaya na namin 'to nina Fhaye." Aniya at kinindatan pa ang matanda.
"Oo nga Tay. Magpahinga ka na po." Si Fhaye na kumindat din sa kanya saka iginiya ang hindi pa naman katandaang lalaki patungo sa may likurang bahagi ng restaurant. "Table 18." Pabulong pa nitong sambit sa kanya dahilan para tingnan n'ya ang table na tinutukoy nito.
"Done." Pa-cute pang sambit ni Daniella nang makalapit sa kanya sa may counter. "Ang daming customers. Very effective talaga ang review ng mga customers 'pag social media ang ginamit." Ngumisi pa ito sa kanya at saka naupo sa stool na naroroon.
Sunday. Kaya masyadong maraming customer sa restaurant. Yes. She gave up her job para pasukin ang pagninegosyo. Salamat na lang sa taong nasa Table 18 dahil ito ang nag-invest at sumugal sa proposal nilang negosyo ni Daniella. Oo. Bukod sa kanila ni Daniella, si Mang Austine ay isa rin sa may-ari ng restaurant na ito. They served all Filipino with touch of French cuisine (since ang chef nila ay recommended ng customer na nasa Table 18) na may konteng modern twist. Their resto is also open at night. Puwede sa bata at matanda. Panglahatan kumbaga. Salamat sa matabang utak ni Daniella na s'yang gumawa ng business proposal. At syempre salamat din sa utak negosyanteng si Mang Austine na pinagmulan ng lahat. Naikwento kasi sa kanila dati na isa itong restaurant na napag-iwanan na ng panahon. It was a risk at first. To open such a resto pero thanks sa social media dahil kahit papaano ay unti-unti nilang naitayo ang sarili nilang negosyo ang KAPATIRAN RESTO-BAR.
The name of the resto doesn't ring a bell but then thanks to social media ang the customers review about the foods they serve dahil nag-boom ang kanilang negosyo. It has been 1 and a half years to be exact simula nang dayuhin at makilala ang kanilang restaurant at muli, salamat sa customer na nasa table 18 dahil malaki ang naitulong nito upang makilala ang kanilang restaurant.
In Kapatiran, they served the famous Adobo which is one of the Filipino best cuisine. Aside from that they also served pinakbet rice with seafood. Hindi rin s'yempre mawawala ang sisig ala Ella, well typically favourite n'ya ang sisig and it has her very own touch at masyadong marami kung iisa-isahin pa. They also served alcoholic beverages.
"Look." Aniya at inginuso ang table 18 kung saan may customer na nakaupo at tila ba may hinihintay. "Remember—Sunday." Aniya na sinabayan pa ni Daniella karugtong ng pagngisi. "Our very loyal customer is waiting." Aniya na nginitian lang ulit ni Daniella pagkuway tumayo na at tinungo ang table na medyo malapit lang sa may veranda ng restaurant.
DANIELLA
"Grabeng tagal." Saad ng customer na nasa Table 18 nang makalapit na s'ya. She rolled her eyes pagkuway naupo sa bakanteng upuan na kaharap lang ng customer. "It took you 15 minutes to come and ask for my order." Muli ay sambit nito saka tinanggal ang suot na shades.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories