TOIL 87

47 2 6
                                    


TOIL 87

Hi,

Hi babies, kumusta kayo? It's been a very long while, hehehe. Umalis na ba kayo? Hehe.. But then kilala n'yo naman ako na super tagal talaga mag-post ng update. Haha. Anyway, this update is for you na nananatiling naghihintay sa kwento ni Jac.

Kapit lang sa nalalapit na katapusan.

-MhireJed/ItinakdangAsul

JAC

Flashes of camera are on and everywhere but her eyes are focus on the subject of that flashes—Kristen. She wouldn't be called an international model for nothing. Every pose she did is perfect for the angle. The way she holds ZLN bag is perfect. The way she looked at it is also saying more of just modeling it. She's handling the bag with love and care. The way she projects with the bags on her hand is like saying this is mine, you should buy yours as well.

Nakatuon ang atensyon n'ya kay Kristen pero hindi n'ya pa rin mapigilang maramdaman ang mga matang kanina pa nakatingin sa kaniya. Kilala n'ya kung kaninong mga mata ang tila ba tumutunaw ng titig sa kaniya.

To be honest, wala dapat s'ya sa shoot na 'to pero masyado s'yang onhand sa project na 'to. She wants nothing but the best for ZLN plus her model/endorser/ZLN ambassador is not just an ordinary one, it's Kristen—the most sought and indemand personality. 'Yong indibidwal na kahit magpulbo lang magti-trend na. That's Kristen! Kahit anong gamitin n'ya will be sold out in just a matter of minute, or sometime, just a second.

"Okay, break time." One of the staffs uttered. She glanced at her wrist watch. Past nine in the morning na pala. Hindi n'ya namalayang ganun kabilis ang oras. Tiningnan n'ya si Kristen na nakangiting inassist ng staff. The girl smiled at her bago tinungo ang kinaroroonan ng camera. By the way she's seeing it, Kristen's browsing through her photos.

"Jac." Napapitlag s'ya sa pamilyar na tinig.

"I brought you some snack." Mula sa mukha nito ay itinuon n'ya ang mata sa hawak nitong pagkain. "I baked it myself."

Muli n'yang tiningnan ang cookies. Mukha namang masarap 'yon pero parang wala s'ya sa mood kumain ngayon. Ibinalik n'ya ang mata sa mukha nito. Parang may kung ano na naman pumisil sa puso n'ya.

"Kanina ka pa—"

"I'm actually full." Mabilis n'yang sambit bago pa man nito matapos ang sasabihin. "I mean, Trina here—" naputol ang sasabihin n'ya nang makitang wala si Trina sa tabi n'ya. Wala nga pala si Trina. She's busy with Daniella's case.

Muli n'yang ibinaling ang tingin kay Mrs. Andrea. Hindi n'ya gustong bastusin ito o kung anupaman. Hindi n'ya alam kung galit ba 'yong nararamdaman n'ya pero the last thing she want to talk to today is this person.

"I mean—" wala s'yang maisip na dahilan, "—I'm just—" hindi n'ya alam kung anong idudugtong. Muli n'yang tiningnan ang mukha nito na para bang naghihintay sa mga sasabihin n'ya.

"I'm sorry, I'm just not into cookies." Liar! 'Yong totoo hindi n'ya lang gusto 'yong idea na galing 'yon dito. "Excuse me po." Sinubukan n'yang lagpasan ito pero mabilis itong humarang.

"Can we talk." That's it! That's what she's avoiding to hear from this woman. "May mga sasabihin lang sana ako sa'yo."

Nangungusap ang mga mata nito habang hindi na naman magkamayaw ang emosyon n'ya. Nagpalinga-linga s'ya as if trying to ask someone for help, as if asking someone to rescue her from this situation.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon