TOIL 49
JACTatlong araw na rin ang nakakalipas nong mag-decide sila ni James na mag-date muli. Hindi naman masama ang impression na ibinigay nito sa kanya. She can tell that this guy is quite romantic. For the past three days hindi ito lumiban na padalhan s'ya ng flowers at sunduin sa ZLN. Ilang appointments na rin ni Lexi ang tinanggihan n'ya because she needed more time with James.
Tatlong araw na pero hindi n'ya pa rin malimutan ang mga sinabi ni Trina sa kanya. Ilang beses n'yang sinubukang ngumiti sa harap ng salamin pero wala naman s'yang napapansing kakaiba doon. Hindi n'ya ma-gets kung ano ang nakita ni Trina sa ngiti n'ya para sabihin nito ang mga sinabi nito sa kanya.
Linggo pero nandito s'ya sa opisina. Dapat naghahanda na s'ya para mamaya pero mas pinili n'yang pumunta dito. Hindi pa nga s'ya pinayagan ni Mrs. Matienzo pero nagpumilit rin lang s'ya. Gusto n'ya lang makita ang kompanyang s'ya ang talagang founder. Nasa ibang bansa s'ya pero na-manage n'ya ng mayos ang ZLN. Masaya s'ya for her achievement.
Marahang katok sa opisina n'ya ang nakaagaw ng atensyon n'ya. Nakita n'yang mula doon ay pumasok ang kanyang sekretarya.
"Excuse me Mam. Nandito po si Sir Drake." Tumango lang s'ya nang makita sa likuran nito si Drake.
Inalok n'ya 'yong maupo sa couch na ilang metro lang ang layo sa table n'ya. Naupo rin naman s'ya sa bakanteng upuan sa harap noon.
"Drake. May problema ba?" Na-curious talaga s'ya dahil seryoso ang mukha nito.
"Aattend ka ba mamaya sa dinner with his parents mamaya?" Diretsa. Hindi na ito nagpaliguy-ligoy pa. Tumango s'ya ng marahan.
"Sigurado ka? Kung 'wag na lang kaya? Hindi maganda ang pakiramdam ko dito eh." Nagtaka naman s'ya sa sinabi nito.
"Pero naka-oo na ako. Tsaka kasama ko si Mama." She paused for a while. "At kung ano mang meron doon, handa ako sa kung anong pwedeng mangyari."
"Jamille." Napansin n'ya kaagad ang pag-aalala sa mukha nito.
"Can I ask you something?" Tumango naman s'ya bilang sagot. "What do you think of him?"
"Who?" Alam n'ya kung sinong tinutukoy nito pero gusto n'ya ring makasiguro.
"Si James." Malungkot ang mga mata ni Drake.
"Bat mo naman natanong 'yan? May problema ba?" Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Bigla itong huminga ng malalim at tinitigan s'ya sa mga mata.
"Nakita kita. Nakita ko 'yong ngiti mo sa kanya nong birthday ni Daniella. Hindi 'yon bastang ngiti lang, Jam. There's more to that smile."
Natigilan s'ya sa sinabi nito. Naalala n'ya tuloy si Trina. Naalala n'ya ang sinabi noon sa kanya. Natawa naman s'yang bigla dahilan para mapakunot ang noo ni Drake.
"Drake, para kang si Trina. Kung ano-anong pinagsasasabi n'yong dalawa sa'kin. Stop it will you? Inutusan ka ba n'ya para sabihin sa'kin 'yan?" Umiling ito sa kanya. Seryoso pa rin ang mukha. "Tsaka, Jam ka ng Jam d'yan, I told you masanay ka sa Jac. Mabuti na lang at tayo lang ang magkausap dito."
"I get it now." makahulugang saad nito. "I just want to remind you about our plan. You just have to use him. Wala ng iba."
"O-oo naman." aniya at saka muling ngumiti.
"Nagawan ko na nga pala ng paraan 'yong tungkol sa lakad mo sa Batanes." Napatango naman s'ya ng maalala 'yon.
"Ayaw mo bang samahan kita doon?" Umiling s'ya. Hanggang ngayon nag-aalala pa rin ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories