TOIL 65

162 67 14
                                    

TOIL 65

JAC

Still in Cebu…

‘Yong totoo, hindi lang naman si Angela ang pinadalhan n’ya kanina ng mensahe about sa dinner. She also sent Alexander a text message telling him about the dinner. Kahit nga ngayong nandito sila sa mansyon at halos abot kamay lang ang bawat isa ay pasimple pa silang nagpapalitan ng mensahe. She’s really doing that on purpose. Gusto n’ya kasing sa pagkakataong ito matupad na ang plano n’ya. Sisiguruhin n’yang matutupad na talaga 'yon at nagkataon namang mukhang si Angela na ang gumawa ng paraan para matupad n’ya ‘yon.

Kaya naman nang magsabi ‘yon sa kanya na gustong gumamit ng restroom eh halos tahimik na nagdiwang ang isip n’ya. Maisasakatuparan na n’ya ang planong kanina pa nangungulit sa isip n’ya. Alam n’ya kung nasaan ang restroom but she acted as if she don’t. In fact, nanggaling s’ya doon kanina and purposedly left her pouch there. Kaya naman sa halip na s’ya ang sumama kay Angela mas pinili n’yang si James ang pasamahin doon. Nakita n’ya pa nga ang pag-aalangan sa mukha ng lalaki pero ‘di kalaunan ay tumayo na rin at iginiya si Angela palabas.

Hindi pa man natatagalang nakakalabas sina Angela sa home theater ay mabilis pa sa alas singkong lumipat si Alexander sa upuang inu-okopa kanina ni Angela. Gusto n’yang matawa dahil sa naging reaksyon nito. Pakiwari n’ya eh talagang kanina pa ito humahanap ng pagkakataon. Hinawakan kaagad nito ang kamay n’ya na para bang hindi nito nagawa kanina.

“Alex.” Sansala n’ya na umarte pang binabawi ang kamay na hawak na ngayon ng lalaki pero bigo naman s’yang makuha ‘yon.

“Ano ka ba? They just went to the restroom. Saglit lang ‘yon.” Aniya at umarte pang nililingon ang pintuan ng silid.

“I know. Kaya nga sinasamantala ko na. Kanina ko pa gustong hawakan ang mga kamay mo but you’re too far.” Anito na pinisil pa ang palad n’ya.

“Hello. Nagpapalitan naman tayo ng messages ah. Hindi pa ba sapat ‘yon?” Aniya na tila ba tinutukso pa itong lalo.

“But that’s not enough. I mean, mas gusto kong hawak ang kamay mo. Mas gusto kong ako ang nasa tabi mo at higit sa lahat mas gusto kong nasa’kin lang ang atensyon mo.” Napangiti s’ya pagkuway marahang kinagat ang ibabang bahagi ng labi. Napansin n’yang napatingin sa labi n’ya si Alexander at lalo lang s’yang natawa ng lihim.

“Nababaliw ka na ba? Diba sabi ko sa’yo parang hindi naman totoo ‘yong sinabi ni Angela na gusto ka lang n’yang i-surprise. It’s as if she really followed you here. Kaya mas kailangan mong mag-ingat. Your wife is doubting you!” Ipinaalala n’ya ang sinend n’yang text message dito kanina.

Kailangan n’ya ‘yong sabihin bukod sa ‘yon ang totoo eh para pagdudahan na rin nito ang asawa. Mukhang gumana naman ‘yon dahil hindi na nito ipinagpilitan pa kanina na muli silang magkita.

“Humahanap lang ako ng pagkakataon. I’m going to tell her about the annulment.” Anito matapos huminga ng malalim.

“Alex!” Umarte s’yang tila ba apektado. It’s working. Kitang-kita n’ya sa mukha nito ang lalong pagkadisgusto dahil sa naging reaksyon n’ya.

“Pwede bang ‘wag na lang? I mean, Angela is such a good person and she did nothing to—” sinadya n’ya talagang huminto sa pagsasalita at muling kinagat ang ibabang bahagi ng labi. She’s actually doing this on purpose. Muli n’yang napansin ang pagtingin nito sa labi n’ya. It’s working. She’s very sure that she’s going to succeed in seducing this guy.

“Don’t do that.” Sa wakas ay sambit nito habang nakatitig pa rin sa labi n’ya bago ibinaling ang tingin sa mga mata n’ya. They were both staring at each other.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon