TOIL 31

284 72 4
                                    


TOIL 31

Natigilan naman si Alexander. Halata 'yon dahil sa nakaawang na bibig.

"A-ano? Ibig bang sabihin non—"

"Oo! Sinasagot na kita." Putol n'ya sa mga sasabihin pa sana noon. "Yon eh kung pwede lang naman tayong lumabas." Aniya.

Napangiti naman si Alexander saka pinirmahan ng dali-dali ang mga papel na 'yon na hindi na binabasa. Ganun kalakas ang impact ng sinabi n'ya doon. Animo kasi nawala sa konsentrasyon 'yon. Nakahinga s'ya ng maluwag nong dumako na ang kamay noon sa kasunod na pipirmahan. Huminto 'yon.

"Pwede bang bukas ko na lang 'to pirmahan?" anito na kapansin-pansin ang saya sa mukha. "Gusto ko kasing makasiguro doon sa narinig ko kanina. Totoo ba talaga 'yon? Tayo na talaga?"

She smiled and nodded at him. 'Yon naman kasi talaga ang gusto ng puso n'ya—ang maging sila.

Hindi n'ya inasahan ang sunod na nangyari. Natagpuan na lang n'ya ang sariling yakap na noon. Gumanti s'ya nang yakap pero s'ya na ang unang kumalas sa pagkakayakap noon.

"Thank you. It's quite a surprise pero sobrang pinasaya mo talaga ako. Hindi ka nagbibiro? Tayo na talaga?" paniniguro nito.

"Bakit? Ayaw mo?"

"No! Of course not! Sobrang saya ko lang talga." Ani Alexander at hinawakan ang kamay n'ya. "This is the happiest moment of my life. Thank you for giving me the chance to be your boyfriend Jamille." Muling sambit nito at habang hawak ang kamay n'ya. Sigurado s'yang masaya nga 'yon. Samantalang s'ya gustuhin n'ya mang maging masaya tutol naman ang puso n'ya. Bakit? Because she did what she think is unfair for the man she really loves.

"Masaya rin ako to finally say na girlfriend mo na ako and finally boyfriend nakita." She tried so hard to keep what she really feels and she succeeded with her smile.

"Tara na. You're asking me for a date, diba?" anito sa kanya. Ngumiti s'ya nang subukan nitong hilahin na s'ya palabas ng opisina.

"Hindi mo pa nga tapos pirmahan 'yong iba pang documents."

"That can wait. Tsaka namiss na rin kasi kita eh. Halos magkalapit lang ang office natin pero minsan na lang tayong nagkita this past few days."

"Then let me just return the documents in my drawer. Okay?" Pinayagan naman s'ya noon. Tiningnan n'ya ang isa sa mga papel na pinirmahan noon. That's it. Pirmado na talaga 'yon. Inayos n'ya 'yon saka muling ibinalik sa drawer.

Magkasunod lang silang lumabas ng office ni Alexander. Pinauna n'ya talaga 'yon. Napansin n'yang nakangiting-nakangiti 'yon habang tinitingnan ang ilan sa mga nakakasalubong na empleyado. Ngumingiti rin lang s'ya sa ilan sa mga 'yon.

Hindi mapigilan ni Alex na hindi sulyapan si Jamille habang nag-da-drive s'ya. Hindi pa rin kasi s'ya makapaniwalang sinagot na s'ya nito. Umaalingaw-ngaw pa rin sa tenga n'ya ang sinabi nito kanina.

Sa isang amusement park sila nagpunta. Hindi s'ya mahilig magpupunta sa mga amusement park pero knowing na kasama n'ya si Jamille masaya s'yang naroroon s'ya ngayon. They went inside and enjoy different kind of rides. Kailangan n'yang maging masaya dahil kailangan n'yang maiparamdam kay Alexander kung gaano s'ya kasaya. Sinusulyapan n'ya lang ito minsan 'yong makahulugang sulyap na hindi n'ya naman hinahayaang mapansin nito.

They waited for the fireworks display since usually nagpa-fireworks display naman talaga doon. She's still holding Alexanders hand. Kanina n'ya pa 'yon hawak at hindi n'ya sinubukang bitiwan.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon