TOIL 2

697 81 1
                                    

AN: Hey KathReids/KathNiels and other related Kathryn fanatics... an update has been made...

Busy sa trabaho kaya ngayon lang nakapag-update eh.. pero two chapters siguro ang mapo-post ko ngayon.. hehehe...

----------------============-------------------

Nakalabas na s'ya ng Restaurant ng mabunggo naman s'ya sa papasok na lalaki. Pinulot n'ya ang mga tumilapong gamit at ni hindi na sinulyapan pa 'yon. Pumara kaagad s'ya ng taxi at hindi na napigilang pumatak ang luhang kanina n'ya pang tinitimpi. Call her a cry baby pero wala eh, sa gusto n'ya lang talagang umiyak sa mga oras na ito eh.

Wala naman s'yang balak umuwi kaagad lalo na't hindi maganda ang mood n'ya at bad news pa ang dala n'ya. Kaya naman sa isang park s'ya nagpahatid at doon n'ya lang na-realize na wala ang wallet n'ya sa bag. Boses ng lalaki ang pumukaw ng atensyon n'ya.

"Are you looking for this?" tanong noon at iniabot sa kanya ang wallet na mabilis n'yang kinuha. Walang thank you o kahit ano s'yang sinabi sa halip ay naglakad na s'ya matapos magbayad ng pamasahe.

"So, wala man lang bang thank you?" Napahinto s'ya kasabay ng paglingon n'ya sa boses lalaking nagsalita. Ngumiti naman 'yon sa kanya ngunit sa halip ngitian n'ya rin ay tinitigan n'ya lang. Take note, sarcastic ang titig n'ya dito. "Hi. I'm John Alexander. But you can call me Alex." Anito at inilahad ang palad sa kanya na tiningnan n'ya lang. "Sorry kanina dahil nabunggo kita at-"

"Thank you! Sapat na ba 'yon para iwanan mo ako? Thank you." May pagkasarkastikang putol n'ya sa sasabihin pa sana nito.

Hindi naman na 'yon nakapagsalita kaya ipinagpatuloy n'ya na ang paglalakad. Ngunit di pa man natatagalan ay napilitan na naman s'yang huminto dahil ramdam n'ya ang pagsunod pa rin nito.

"May problema ka ba? O may kailangan ka pa ba?" tanong n'yang ipinagkibit-balikat lang nito. "Alexander, right?" paniniguro n'ya sa pangalan na tinanguan nito. "Nakapag-thank you na ako diba, so please stop following me, will you?" Nag-okay naman ito sa kanya bilang tugon kaya nagpatuloy na muli s'ya sa paglalakad. Ngunit muli s'yang napahinto ng maramdaman ang prisensya noon.

"I'm not following you. Sumasabay ako sa'yo." Pilyong saad nito sa kanya bago pa man s'ya makapagsalita.

Wala s'ya sa mood na makipagtalo kaya nagpasya na lang s'yang bilisan ang paglakad upang maiwanan 'yon. Umupo s'ya sa swing na naroroon ng mapansing wala na ang lalaking kanina'y sumusunod sa kanya. Sobrang bigat ng pakiramdam n'ya dahil sa nangyari kanina. Mula sa pagtitig sa kawalan ay nagbalik ang alaala n'ya sa nakaraan.

◘◙◘

"Hi. Jamille Audrey Chandria, right? Best friend ka ni Drake, diba? Since best friend ka ng boy friend ko best friend na rin kita. Kaya kapag may problema ka lapit ka lang sa'kin, sa'min, huh?" Halos magpantig ang tenga n'ya ng marinig ang mga salitang 'yon na binitawan ng campus princess nilang si Kriskah Matienzo (ang babaeng may mala-dyosang mukha at isa sa pinakasikat na estudyante sa HIGH Academy).

"I'm Lexi Monterey. Kriskah's best friend. Since winelcome ka na ni Kris I should welcome you as well. Kapag may problema ka lapit ka lang sa'min. We'll back you up." Sang-ayon pa ng kasama nito at ng dalawa pang campus royalty.

Pakiramdam n'ya may mga karayom na tumusok sa puso n'ya nong mga oras na 'yon. Pinigil n'yang magalit at mas piniling ngumiti na lang sa mga nang-isturbo sa pananahimik n'ya sa cafeteria.

"Dahil best friend mo ako lahat ng sa'kin sa'yo. Kaya ako ang bahala sa'yo at sa kapatid mo. Ibig sabihin hindi ka na dapat pang mag-alala. 'Wag ka ng sumimangot d'yan magiging okay din si Ella. Magaling mag-alaga si mama." Naalala n'ya pa ang mga katagang yon ni Drake (best friend n'ya na mula pa nong buhay pa ang papa't kuya n'ya). Graduating na s'ya ngayon ngunit third year high school naman s'ya ng maging boyfriend n'ya ang bestfriend n'yang si Drake. Lihim nga lang 'yon sa school kasi scholar since they're not so vocal about it naman and besides hindi naman sila showbiz kung tawagin.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon