Yow! Yow! Yow! Mga bebe, balita ko pinagbigyan n'yo ang munti kong hiling... haha.. so dahil na-reach natin, andito na ang update.. actually, hiniling ko talagang pagbigyan n'yo ang hiling ko para makapag-update haha..
Labz ko talaga kayo mga bebez .. 😘😘 sending my virtual hugs ang love 😘 ..So here na po ang update. 'Wag ka ng tamarin.. mag-iwan ka ng vote bebe.. mas nakakataba ng puso kung mag-iiwan ka rin ng comment.. 😘😘
Ang Lutang na Author,
MhireJed aka ItinakdangAsul😘-- -- -- -- -- -- -- -- -- --
TOIL 68
JAMES
Dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula noong huli nilang pagkikita ni Jac. Pero hanggang ngayon ramdam na ramdam n’ya pa rin ‘yong sakit na naramdaman n’ya noong iwan s’ya nito. Sapat naman na siguro ang dalawang linggong ispasyo na ibinigay n’ya dahil sa ayaw man ni Jac o sa gusto muli n’yang isisiksik ang sarili n’ya dito. He’s going to win her back this time lalo na’t malakas na ang pinanghahawakan n’yang mahal din s’ya nito.
“Hindi pa ba tayo aalis?” napatingin s’ya kay Nolan na nagsisilbing driver n’ya ngayon.
By the way Nolan’s back. Noong nabalitaan nito ang nangyari sa kanya eh ayon nagpasyang bumalik na pinayagan naman ng ama n’ya. Sigurado naman s’yang nag-aalala lang ito sa kalagayan n’ya. Pero everything seems easy having Nolan by his side again.
“Baka nag-aalala na naman sa’yo ang mama mo.” Dugtong pa nito.
Speaking of his mama. Simula noong madischarge s’ya from the hospital sa bahay na rin n’ya ito tumira. Parang back to basic s'ya dahil kay Mrs. Reid. Katulad n’ya umaasa rin ito na muli silang magkakabalikan ni Jac. Na-miss n’ya rin ‘yong halos araw-araw may nagsisermon sa kanya personally. Ganun kasi ang ginagawa ni Mrs. Reid sa kanya. Ang isa pa sa ikinatutuwa n’ya eh ‘yong fact na malapit na sa isa’t isa si Daniella at ang ina n’ya. Hindi kasi nakakalimot na bumisita si Daniella sa bahay nila which is by the way ilang metro lang naman ang layo mula sa Kapatiran Resto.
Sinulyapan n’yang muli ang resto kung saan mag-isang nakaupo si Jac. Sasang-ayon na sana s’ya kay Nolan na umuwi na pero hindi n’ya ‘yon ginawa. Nakita n’ya kasing mula sa entrance ng restaurant ay pumasok si Angela. Nakita n’yang dumiretso ‘yon sa table na kinaroroonan ni Jac. Bakas sa mukha noon ang pagkabigla. Mukhang hindi naman ito ang inaasahang katagpo ni Jac sa lugar na ‘yon.
“Wait. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.” Inakma n’yang bubuksan ang pintuan ng sasakyan pero pinigilan s’ya ni Nolan.
“You can’t do that. Halos mahigit dalawang linggo ka ng nagtitiis na hindi magpakita sa kanya. Lahat ‘yon mapupunta sa wala kung makikisawsaw ka sa kanila.” Napahigpit na lang ang hawak n’ya sa pintuan ng sasakyan at saka nagkaigi na lang na ibalik ang mga mata sa kinaroroonan nina Jac.
ANGELA
Hindi na n’ya hinintay na makapagsalita pa si Jac sa halip ay naupo s’ya sa bakanteng upuan na nasa harap lang nito. Nakita n’ya ang pagkabigla sa mukha nito. Galit s’ya sa babaeng ito pero hindi n’ya maintindihan ang sarili kung bakit nakakaramdam s’ya ng guilt sa mga oras na ito habang nakatitig s’ya sa mga mata nito.
“A-Angela.” Anito na napansin n’yang sinulyapan ang suot na wristwatch.
“You seemed surprise. Are you waiting for my husband?” sinubukan n’yang maging matatag ang tinig.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories