***Tonight, almost everybody is excited and at the same time curious because tonight, Mrs. Matienzo will finally introduce/present her daughter not only in the business world but in the Philippines as well. Yes. Philippines. Her long lost daughter will finally be known in the Philippines through the reporters who are also excited about the face of her one and only heiress.
Walang paglagyan ang excitement at kasiyahan sa mukha ni Mrs. Matienzo habang hinihintay na lamang ang oras ng pagpapakilala n’ya sa nag-iisa n’yang anak. In less than three hours, her daughter’s life will never be the same again. In less than, three hours everything will never be the same again.
Sa kabilang tagpo naman ay naghahanda na rin si John Alexander para sa party na dadaluhan n’yang mag-isa. Tatagpuin na lang n’ya ang stepmom n’ya sa mismong event. Ang plano n’ya ay magpakita lamang kay Mrs. Matienzo at umalis na rin pagkatapos. Wala naman kasi s’yang gagawin doon, besides, hindi naman na s’ya ma-party na tao. His life has been focused on his business. Nawalan na s’ya ng ganang magkaroon pa ng ibang buhay maliban sa mabuhay sa negosyo para sa kanyang pamilya. Iniisip n’ya nga minsan na ang purpose na lang kung bakit s’ya nabubuhay ay dahil doon so that’s it. Hindi na n’ya pinapakomplikado pa ang buhay n’ya sa iba pang mga bagay. His life has been his office and his home.
Sa kabilang banda, naghahanda na rin naman sina Lexi at ang kaibigan nitong si Shiela para sa party na gaganapin in less than three hours. Nakahanda na ang mga susuutin n’ya mamaya although disappointed s’ya dahil wala naman s’yang escort para sa party. She didn’t even know kung aattend ba si James dahil hindi naman ito sumasagot sa mga call and texts n’ya. Although she really felt something weird about this party eh excited at curious pa rin s’yang makilala in person ang isa sa mga nakatulong sa kanya sa financial difficulties ng MFI dahil na rin sa kagagawan n’ya.
Samantalang, nakapag-check in naman na sina Daniella, Fhaye at Irish sa isang resort sa Palawan. Yeah, they’re out of town tonight and it’s related to their business. May kakatagpuin silang kliyente ngayon pero nag-iwan ‘yon ng message na medyo nagkaroon lang ng delay sa flight kaya they will be meeting that client tomorrow. Masyado silang napagod sa byahe kaya naman ang tanging gusto lang nila ngayon ay ang magpahinga.
Sa kabilang panig naman ay naghahanda na rin ang anak ni Mrs. Matienzo. Her glam team is very busy while working on her make up. She’s going to wear three sets of gown tonight with three different colors of course, white, gold and black.
LEXI
Natigilan s’ya habang nakatitig sa harap ng salamin. She’s not looking at her reflection on it, rather her mind is with something else. Curious pa rin s’ya kung ano ba ang itsura, ugali at katangiang mayroon ang ipapakilala ni Mrs. Mateinzo sa party mamaya. Iniisip n’ya kung katulad ba ni Kriskah eh magiging ka-close n’ya rin ba ito o hindi. Ang dami n’yang iniisip na mga bagay-bagay tungkol sa kapatid ng late bestfriend n’ya. She really felt something is weird in this party, hindi n’ya nga lang ma-identify kung ano ‘yon.
Actually ‘yong hiniram n’yang pera sa company ni Mrs. Mateinzo ay hindi lang para sa MFI kundi para na rin sa LXN – the business her father has started way back when she’s just a kid. That business was named after her actually.
LXN manufactured and sells bags with a very high class and quality. Kaya nga halos ang luho n’ya napupunta sa pagbili ng mamahaling bags and of course jewelries. ‘Yong mga bags na hindi n’ya makukuha sa company n’ya. Walang problema ang LXN nong tanggapin n’ya ang pamamahala nito four years ago. Suddenly, nagkaroon sila ng problema when their sells started to go down for this past two years. Nababawasan ang net nila plus aminin n’ya man o hindi nagkakaroon din ng financial problem sa LXN because of her. Lahat ng ‘yon ay inilihim n’ya sa papa n’ya. The very last thing she wants to hear is her father’s disappointment dahil halos lahat ng gusto n’ya ay ibinigay na nito sa kanya. Ayaw n’yang ito ay biguin. Kaya ngayon ang LXN at MFI ay nakasalalay hindi na lang sa mga kamay n’ya kundi na rin sa taong ipapakilala ni Mrs. Matienzo mamaya, ang tagapagligtas ng kanilang kompanya.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories