TOIL 55
* * *Still at REID'S Private Resort somewhere in Batangas...
THE PARTY STARTED...
Mr. and Mrs. Chris Reid delivered their birthday message together with their birthday wish for their only son. Ilan din sa malalapit na kaibigan nila sa business world ang bumati at nagbigay din ng kani-kanilang mensahe.
The resort is big enough to hold lot of guests pero parang piling mga negosyante lang ang naroroon but they invited media to cover the event. Nasa entablado lang naman si James at nakatayo habang nakikinig ng mga mensahe.
"And now, let us listen to the birthday message of the birthday boy before he blows the candle." Nagpalakpakan ang mga guest ng tuluyan ng iabot ng host ang mikropono kay James.
"Thank you." Ngumiti s'ya pagkasabi noon.
"I'm so happy to see familiar faces here celebrating my birthday with me. Thank you for sharing your time with me. Thank you Ma, Dad, for this wonderful preparation kahit pa alam n'yo namang ayoko ng magarbong selebrasyon." ibinaling nito ang tingin sa mga magulang pagkasabi noon.
"But this is a very special night for me and I'm thankful and blessed to be celebrating it with all of you. And honestly nagustuhan ko ang pagkagarbo ng selebrasyong ito." Ibinaling n'ya ang tingin sa table na kinaroroonan nina Alexander. Nakatingin s'ya particularly sa pinsan na sinalubong din naman ang mga tingin n'yang 'yon.
"My wish-" huminto s'ya sa pagsasalita at ibinaling naman ang tingin sa table na kinaroroonan ni Jac. Nakatingin lang ito sa kanya at naghihintay ng mga sasabihin n'ya pa.
"-it has been granted, so I don't need to make one." aniya at saka hinipan na ang kandila ng cake n'ya.
Nagpalakpakan naman ang mga guest at ginawaran n'ya ng ngiti si Jac na nakita n'yang ngumiti rin sa kanya.
Nanatili s'ya sa entablado kung saan ang mga magulang ni James at si Mrs. Matienzo ang muling umakyat doon. Nagtinginan pa ang dalawang 'yon bago tuluyang magsalita ang daddy ni James.
"Tonight, my dear friends, we will not only celebrate my son's birthday." Nagkaroon ng mahinang bulungan dahilan para mapangiti lang sina Mr. Reid at Mrs. Matienzo.
"We are also glad to announce to everyone that this night is going to be the engagement night of my son and Shirley's daughter." Muling nagkaroon ng bulungan dahil sa announcement na 'yon ni Mr. Chris.
"Yes! You heard it right. My daughter is going to be a Mrs. Reid soon." pagsang-ayon naman ni Mrs. Matienzo.
Sinulyapan ni James si Alexander at nakita n'ya ang pagkabigla sa announcement na 'yon. Kahit hindi 'yon magsalita alam n'yang ang titig nito ay titig ng pagtutol pero ipinagsawalang bahala na n'ya 'yon.
Marahang bumaba si James ng entablado at tinungo ang table na kinaroroonan ni Jac. Parang naging mabagal ang lahat lalo na nang lapitan nito si Jac at kunin ang mga kamay noon. Iginiya n'ya ito patungo sa entablado. Nagpalakapakan ang mga guest nang makita sila parehong nasa unahan na.
"Lets cheers to the future Mr. and Mrs. Reid." ani Mrs. Matienzo. Sabay-sabay namang itinaas ng mga guest ang kani-kanilang baso.
Mula sa bulsa ng suit na suot ni James ay kinuha na n'ya ang singsing at dahan-dahan 'yong isinuot sa daliri ni Jac. Muling nagpalakpakan ang mga bisita pero hindi kasama doon si Alexander. Hindi nito inasahan ang announcement na 'to. Hindi nito gusto ang announcement na 'to.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories