TOIL 26
---
Alexander received a text from Jamille telling him that she'll be absent for the whole day. Nagkataon namang dumating sa opisina n'ya si Lexi. Hindi n'ya inasahan 'yon pero heto nga't nasa opisina n'ya ito ngayon.
"My princess it's quite a big surprise. Akala ko ba ayaw na ayaw mong binibisita ako sa office ko." aniya at saka tinungo ang nakalaang sofa exclusive for the visitors.
"I want to meet the girl of your dream." Walang kakemi-keming sagot naman ni Lexi sa kanya. Kilala na nito 'yon pero gusto n'yang makita personally na kasama nito si Jamille. Gusto n'yang malaman kung paano ito na-in love sa isang walang kakwenta-kwentang babae."Nabanggit sa'kin ni tita that we attended the same school. And she's working here with you." Tumikhim ito. "Hindi mo nabanggit sa'kin ang tungkol doon."
Ngumiti naman si Alexander. 'Yong pilyong ngiti na agad namang nakuha ni Lexi ang ibig sabihin.
"I'm not jealous Alex. Okay? I just really want to meet her personally." Defensive namang sambit muli ni Lexi.
Napatawa s'ya pero pinigil din 'yon nang titigan s'ya nito ng masama. "Unfortunately, wala dito ang ultimate princess ng buhay ko. But I'm going to make sure makikilala mo rin s'ya. She'll be glad to meet you as well."
"Wala?" May halong disappointment ang mukha ni Lexi. "Then by chance is she pretty? Mas maganda sa'kin?" May pagkukunwari ang tanong na ito dahil ang gusto talagang itanong ni Lexi eh bakit s'ya na-in love kay Jamille.
He showed her his most beautiful smile. His eyes is even smiling at alam n'yang napansin 'yon ni Lexi.
"Do you want me to tell you the truth?" animo nang-aalaska pa ang boses n'ya.
"I don't think she's as pretty as me." Umarte naman si Lexing sumasakay sa panunudyo n'ya.
Tumawa s'ya. "Princess, nagseselos ka noh?" panunudyo n'ya dito na inirapan naman nito. "Yes. She's not just pretty. She's beautiful in and out and you'll surely like her."
"I don't think so." Mabilisang sambit nito sa kanya. "Just kidding." Pahabol pa nito. Pero 'yong totoo sigurado naman kasi si Lexi na kahit kailan hindi n'ya magugustuhan si Jamille para sa kaibigan. Gagawa s'ya ng paraan para lumayo 'yon kay Alex at sa buhay nila.
"Alex do you really love her?" sumeryoso ang mukha ni Lexi.
Umayos naman s'ya ng upo. "Lexi, I think she's the only one I want to spend the rest of my life with. S'ya 'yong gusto kong maging ina ng magiging mga anak ko. I'm sure she's the one."
Pakiramdam naman ni Lexi natigilan s'ya. That was the first time na tinawag s'ya nito sa talagang pangalan n'ya. Kilalang-kilala na n'ya ang kaibigan n'yang 'yon. Sigurado din s'yang sincere 'yon sa mga sinabi. Hindi n'ya talaga inasahan ang reaksyon ni Alexander. Pakiramdam n'ya nong mga oras na 'yon inaagawan s'ya ng isang napaka-importanteng tao. Hindi n'ya 'yon gusto. 'Yong feeling na minamahal ng kaibigan n'ya ang babaeng kinamumuhian n'ya.
"But how about Angela?" Ani Lexi na saglit namang natigilan sa sinabi. "Just kidding.So since wala naman pala s'ya dito parang wala ng dahilan para magtagal ako dito."
"Hala! Alam mo kung hindi ko lang alam na malaki ang pagmamahal mo kay couz iisipin ko nagseselos kang talaga. Tingnan mo nga 'yang reaksyon mo." Ngingiti-ngiting sambit naman ni Alex.
"Hindi ako nagsiselos. I just really want to meet her in person. I want to see kung talagang pretty s'ya. I want to test her kung talagang magkakasundo kami." She lied. Dahil kahit ano pang gawin ni Jamille hindi n'ya susubukang makipagkasundo doon. "Sayang naman pala ang oras ko kasi hindi ko s'ya na-meet. Kaya aalis na ako Mr. Alexander."
Gusto n'ya talagang makaalis na doon. Lalo n'ya lang kasi nararamdamang espesyal na espesyal nga kay Alex ang Jamille na 'yon. Hindi naman n'ya hinintay na makapagsalita pa si Alex. She hurriedly go out from his room. She took a deep breath as she enter the elevator.
"You can't be with her, Alex. You don't need to be with her. Kasi kung magkakataon malalapit at malalapit lang s'ya kay Airyl. Hindi ko hahayaang maging kayo. I can find you a girl you really deserve. Kung kinakailangang pauwiin ko si Angela, gagawin ko!" Mahinang sambit n'ya habang nasa elevator na.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories