TOIL 47

225 73 9
                                    


TOIL 47
DANIELLA

Hindi maiwasan ni Daniella ang malungkot dahil mula pa kaninang umaga ay wala man lamang s'yang natanggap na mensahe mula sa kapatid. Napakahalaga pa naman ng araw na 'to para sa kanya ngunit mukhang kasama sa mga nalimutan ng ate n'ya ang okasyon ngayon. Excited s'ya sa tuwing tutunog ang phone ngunit napapawi lang 'yon sa tuwing makikitang hindi naman 'yon ang gusto n'yang taong tumawag sa kanya.

Busy sina Irish at Fhaye sa paglalagay ng dekorasyon sa restobar pero tamad na tamad s'yang tumulong sa mga 'yon. Mabuti na lamang at hinahayaan s'ya ng mga 'yon. Itong dalawa nabati na s'ya pero ang ate n'ya na hinihintay n'ya kanina pa hanggang ngayon hindi pa rin bumabati. Si Mr. Wedge nga nagpadala ng bulaklak sa kanya na may birthday greetings pero si Ate Jamille n'ya wala kahit na anong paramdam.

Si Kuya Drake n'ya eh binati na rin s'ya. Mabuti pa ito naalala ang birthday n'ya. Nag-check ito ng status ng venue at ng mga menu para sa birthday party ng pamangkin ng amo nito. Isa pa sa dahilan kung bakit ito naririto ngayon ay s'ya. Gusto nitong samahan n'ya itong pumili ng regalo para sa birthday celebrant. Everything is about business. Kanina pa nga n'ya gustong tanungin ito kung nabanggit man lang nito sa ate n'ya ang tungkol sa kaarawan n'ya pero nahihiya naman s'ya.

"Ready ka na?" Tamad na tamad na lang s'yang tumango ng marahan sa tanong ni Drake.

"Tara na?" Muli na naman s'yang tumango bilang tugon.

"Ate Irish, kayo na ang bahala dito." Pati pagpapaalam doon ay tamad na tamad n'ya ring ginawa. Tumango na lang naman ang mga 'yon sa kanya.

Tahimik lang s'ya habang nasa loob ng sasakyan pero makailang beses n'yang tiningnan si Drake na napapansin naman nito.

"May problema ba Ella?" Mabilis naman s'yang umiling.

"Sigurado ka?" Nag-alangan pa s'ya bago muling umiling.

"Siguradong-sigurado?" muling tanong nito na hindi na n'ya nasagot. "May problema nga?" Bumuntong-hininga na lang s'ya bilang sagot.

"Sige, ano 'yon? Baka makatulong ako. I'm expert pagdating sa pagso-solve ng problema." pabirong hirit pa nito.

Tiningnan n'ya ito ng may pag-aalangan kung itatanong n'ya ba dito o hindi 'yong kanina n'ya pa gustong itanong.

"Ano 'yon?" sinulyapan s'ya nitong muli at ibinalik ang mata sa daan. Nagdadrive kasi ito.

"Kuya Drake." panimula n'ya.

"Hmmn?"

"Si Ate Jamille ba asan s'ya ngayon?" Medyo may pag-aalangan sa tanong n'ya.

"I heard from Trina she's going to meet someone today. Bakit?" Sinulyapan s'ya nito habang nagmamaneho.

"Ahmmmn. Kuya Drake." muling sambit n'ya.

"Ano 'yon?" matipid na sagot nito while driving.

"Kuya, nabanggit mo ba sa kanya na birthday ko ngayon?" Hindi naman kaagad ito sumagot sa halip ay natawa muna ito.

"Kaya ba kanina ka pa nakasimangot d'yan dahil lang doon?" Tumango naman s'ya na parang nagtatampo. "Nabanggit ko naman sa kanya."

"Ah." Napatango s'ya at mas nakaramdam lang muli ng lungkot at tampo. "Hindi n'ya pa ako binabati." sa wakas ay sambit n'ya sa malungkot na boses.

"Busy lang kasi ang ate mo. I'm sure mamaya babatiin ka na rin noon." Tumango na lang s'ya at saka isinandal ang ulo sa bintana ng kotse. Itinuon na rin n'ya ang mata sa labas. "Do you want me to call her for you?"

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon