PROLOGUE

1.7K 86 3
                                    

AN: Isang paalala. Nakita mo na 'yong cover. Nabasa 'yong authors note. Ngayon kung may violent reaction ka eh wala na akong magagawa doon dahil ito ay proyekto ng isang imahinasyon...

PROLOGUE

"This is the final call for passenger Jamille Audrey Chandria Dominguez booked on flight 148C to Cebu. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Jamille Audrey Chandria Dominguez. Thank you."

Muli n'yang narinig ang pag-aannounce sa flight n'ya. Saglit s'yang pumikit kasunod ng pagbuntong-hininga. Tumayo na s'ya dahil nakapagdisisyon na s'ya. Kaya naman nagmamadali s'yang lumakad palayo sa gate 3.

Nagtatalo ang utak at puso n'ya sa ginawa n'yang 'yon pero patay malisya na lang s'yang naglakad palayo doon. Ito ang disisyon n'ya at sigurado s'yang hinding-hindi n'ya ito pagsisisihan.

Tumunog ang cell phone n'ya kaya naman kinuha n'ya 'yon sa body bag. Bago pa man n'ya matingnan kung sinong tumatawag ay dumulas naman 'yon sa kamay n'ya. Kasunod noon ay naramdaman n'yang bumanggas s'ya sa tila ba matigas na bagay.

"I'm sorry. I am just in a hurry that I almost didn't—" doon n'ya na-realize na hindi pala bagay bagkus ay tao ang nabunggo n'ya. Hindi na n'ya narinig pa ang mga sinasabi dahil mabilis na inalis n'ya rin ang tingin sa lalaking 'yon. Nakita naman kaagad ng mata n'ya ang cell phone. Mabilis n'yang tinungo 'yon only to find na basag na ang screen noon.

"Miss I could—" napalingon s'ya sa lalaki at napansin n'yang may lumapit ditong isa pang lalaki na naging dahilan upang hindi matuloy ang pagsasalita nito. Napansin n'ya ring tila ba nagtalo pa 'yon at ang lalaking dumating pero hindi na s'ya nag-aksaya pa ng panahon. Isinilid n'ya sa bag ang cell phone at nagsimula na muling maglakad.

"Miss if you need anything you can call me." Saglit s'yang napalingon sa pinanggalingan. 'Yong lalaking nabunggo n'ya 'yong nagsasalita. "I'm—" hindi na nito natapos pa ang sasabihin dahil sa lalaking kasama nito. Kaya naman nagpatuloy na s'ya at walang lingong-likod na lumabas ng airport.

Nagmamadalin s'ya ng sumakay ng taxi. Nasa loob na s'ya nang subukan n'yang buhayin ang cell phone. Nagbabakasakali s'yang mabubuhay pa ito pero bigo s'ya. Kaya naman ibinalik na lang n'yang muli 'yon sa bag. Pinakisuyuan na n'ya ang driver ng taxi na bilisan ang pagpapatakbo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya mapakali

Hindi kalaunan ay nakarating din s'ya sa distinasyon. Halos ibato na nga n'ya sa driver ang bayad. Hindi na n'ya kinuha ang sukli nang makita n'ya sa di kalayuan ang dalagitang walang humpay na kumakatok sa pintuang nakasara. Nakita n'ya rin ang mga nakalabas na gamit kaya mabilis n'yang tinungo ang kinaroroonan noon. Nagbukas ang pintong kinakatok ng dalagita at nasaksihan n'ya kung paano itulak ng babaeng 'yon ang dalagita. Halos tiim bagang s'yang sumaklolo.

"Ate???" Sambit ng dalagita na bakas sa reaksyon ang pagkabigla ng makita s'ya doon. Sa halip na magsalita'y ibinaling n'ya ang tingin sa matabang babae.

"Anong ibig sabihin nito?" seryosong tanong n'ya doon na tinaasan lang naman noon ng kilay kasabay ng pamemewang.

"Hindi mo ba nakikita? Pinalalayas ko na kayo sa bahay ko." Mataray na tugon nito sa kanya. "Kaya ibigay mo na sa akin 'yong huling renta n'yo at umalis na kayo dito." Dugtong pa nito.

"Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol dito? Magbabayad naman ako eh kaso lang—"

"Sawang-sawa na ako sa mga dahilan mo Jamille! Bayaran mo na 'yong huling renta at lumayas na kayo sa bahay ko kung hindi ipapupulis ko kayo." Mataray na sabad nito sa kanya dahilan para hindi na n'ya maituloy pa ang sasabihin.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon