Miah:
Tara na kanila donny
Limer:
Excited si Miah! Wahahahahahahaha!!
Miah:
Hahahaha gagu first time ko payagan magsleepover hahahahaha joke
Criza:
Ang aga mo naman magyaya miah! Tas makapagyaya ka pa parang sayo yung bahay!
Miah:
Si joao kaya nagyayaya
Criza:
Otw na ako
Limer:
HAHAHAHAHAHA ANG RUPOK MO NAMAN MARS CRIZA
Donny:
Hahahaha chat lang kayo pag papasok na kayong village namin ha
Pupunta na ba kayo ngayon?
Jim:
Oo pre kasama ko sina Miah
Donny:
Sige magpapabili na ako ng mga foods
Jim:
Hala nakakahiya naman buddy! Pero wag mong kalimutan yung pizza ha
Donny:
Hahahaha oo naman buddy
Babasketball tayo mamaya ha
Belle:
aba talagang uunahin niyo pa ang pagbabasketball ha!
akala ko naman kaya maaga kayo pupunta kanila donny ay para may masimulan na kayo agad!
pagdating ko mamaya at wala pa kayong natatapos o nasisimulan, kayo ang tatapusin ko
Donny:
Init na naman ng ulo mo baby loves
Gello:
HAHAHAHAHAHAHAHAHA
POTA GALIT SI EVENTS MANAGER
Limer:
Wag niyong asarin yan, stress na stress na yan kaninang umaga pa lang! Hahahahahahahahaha!!
Kaori:
Hahahaha okay lang yan belle! Matatapos na rin naman ang stress mo dahil bukas na ang food fest
Belle:
di ko nga alam kung anong unang matatapos eh. etong food fest ba o buhay ko
Napa-iling na lang ako habang binabalik ko sa bulsa ang phone ko. Kaninang umaga pa ako rito sa School kahit wala naman kaming pasok ngayon! 'Yung CITHM kasi, eh! Nagpatawag pa ng meeting para sa mga Events Manager at Assistant Manager ng bawat section. Grabe, sobrang nakaka-stress maging Manager! Gusto ko na lang maging baka sa New Zealand!
"O, ano na?" tanong ko sa mga classmates kong nagsusukat sa tent na gagamitin namin para sa Food Fest bukas.
"Ang bilis mo naman, Belle!" sabi ni Pam habang may sinusulat sa notebook niya. "Tapos ka na sa taas?"