30: Surprise

642 17 0
                                    

Donny:

Belle wag kang makulit. Pagod ako.

Belle:

lagi ka na lang pagod

Donny:

Belle pagod nga ako.

What do you want?

Belle:

you know what? kung pagod ka, pagod na rin ako

kung ayaw mo na, sabihin mo na lang

Donny:

Belinda naman!

You're being unreasonable again! Para kang bata!

Belle:

what?

bahala ka na nga! if you dont want to talk to me, then dont!

I don't know what's going on with our relationship. Lately, we've been arguing a lot about petty things. Tapos, hindi ko maintindihan kasi minsan, wala na siya sa lugar! Feeling ko, pinu-push niya talagang magalit ako or what? I don't know. Basta ang alam ko, may nagbago. Hindi siya ganito, eh. Hindi kami ganito.

"'Wag mong isipin 'yon, mahal ka no'n!"

Hindi ko alam na matagal na pala akong nakatulala sa kawalan. Pumunta ako rito sa veranda para magpahangin at mag-emote. Akala ko kasi walang makakakita sa 'kin dito. Kaso, eto si Kuya, ume-epal na naman! Nakangisi pa siya at lalo lang akong nainis.

"I hope so," sagot ko.

Anniversary pa naman namin bukas, tapos ganito. Paano namin i-cecelebrate 'yun? O i-cecelebrate pa ba namin? Sana. Kasi first anniversary namin 'to. At sa ilang months namin, ngayon lang talaga kami nag-away na ganito kalala at ganito katagal. Noon naman, hindi tumatagal ng ilang araw 'yung away namin. But now, almost 2 weeks na kaming walang maayos na communication. Almost 2 weeks naming tinitiis ang isa't-isa. At nakaka-frustate 'yung feeling!

"Mahal ka no'n, ano ka ba?!" sagot naman ni Kuya. Tinulak niya pa ako nang mahina bago siya umupo sa harapan ko.

"Paano mo nasabi?"

"Basta," what a meaningful answer! "Nag-away ba kayo kaya ka ganiyan ngayon?"

Nakasimangot akong tumango. Tinanong ako ni Kuya kung anong nangyari kaya nagkwento ako sa kaniya. Magaling din kasi mag-advice 'tong si Kuya. May kasama pang mga words from Phil. Constitution.

"Busy lang 'yon. 'Wag kang kabahan," sagot niya pagkatapos ko magkwento.

Kumunot ang noo ko. Eto na yata ang pinaka-lame na advice na sinabi niya sa 'kin. "Busy? Almost 2 weeks siyang busy? Tsaka day-off niya ngayon, busy pa rin?"

I'm not asking him to give his full attention to me. Ang gusto ko lang, maramdaman ko na girlfriend niya pa rin ako. Na kami pa rin. Kasi sa lahat ng mga nangyayari, hindi ko na nararamdaman na sa 'kin pa rin siya. And that truth was making me cry!

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon