22: Hi

650 19 0
                                    

"Hoy, kayong dalawa! Kung magpo-phone lang din naman kayo, bakit pa kayo nagyaya mag-swimming?!"

Kanina ko pa naririnig ang mga reklamo ni Kuya. Tumatawa na lang ako tuwing nagrereklamo siya para mainis siya lalo. Ang ending tuloy, tinatalsikan niya ako ng tubig galing sa pool!

"Ano bang pinaglalaban mo? Wala ka lang ka-chat, eh," sagot naman ni Ate habang nakangisi at nagta-type sa phone niya. Naka-upo kami sa sun lounge habang si Kuya naman ay kanina pa paikot-ikot sa pool. Baka nga umihi na siya roon, eh. Char!

"Okay lang 'yan, Kuya. Tuloy pa rin naman ang buhay," sagot ko.

Mas lalo lang sumama ang mukha ni Kuya. "Ewan ko sa inyo! Ginising niyo pa ako para mag-swimming tapos magpo-phone lang naman pala kayo! Sana natulog na lang ako!"

Napa-iling na lang ako habang natatawa. Naririndi na rin ako sa kaka-reklamo ni Kuya kaya binitawan ko muna ang phone ko bago ako sumama sa kaniya sa pool.

"Belle, sinong mas maganda ang katawan sa 'min ni Donny?" tanong ni Kuya sa 'kin pagkalapit ko sa kaniya. Naka-topless si Kuya habang naka-rashguard naman ako. Si Ate, naka-bikini pa pero naka-upo lang naman sa lounge.

Ngumiwi ako habang nakatingin sa katawan ni Kuya. Okay naman 'yung katawan ni Kuya. Hindi siya mataba, hindi rin siya payat. Hindi lang siya nagwowork-out. In other words, mas maganda ang katawan ni Donny. Pero hindi ko sasabihin sa kaniya dahil susumbatan na naman niya ako! Ewan ko ba rito kay Kuya! Simula noong pinakilala ko sa kanila si Donny, parang lagi na lang siyang nagtatampo sa 'kin kasi mas pinipili ko raw lagi si Donny kaysa sa kaniya.

"Syempre, sa 'yo," sagot ko na labag sa kalooban.

"Halatang-halatang napilitan lang ang sagot mo!"

"O, edi si Donny!"

"Tingnan mo na! Palagi na lang siya ang pinipili mo!"

Napatitig na lang ako kay Kuya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o pinagtitripan niya lang ako para mainis ako! Jusko po naman! Ganito ba talaga kapag single? Char, single rin naman ako. Pero ilang days na lang akong single, 'no. Hah! Sure na sure ako!

Sumama na rin naman si Ate sa 'min mag-swimming. Aba, dapat lang, 'no! Siya kaya ang nagyaya sa 'min! Pumayag naman ako kasi ang tagal na rin noong huli kaming nag-bonding. Wow, bonding! Isa pa, wala naman akong ganap ngayong umaga dahil mamayang hapon pa 'yung baccalaureate mass namin.

"Papuntahin mo kasi ulit dito si Donny para makilala ko siya!" sabi ni Ate. "Pinakilala mo siya sa 'kin noon bilang classmate mo lang, kaya ipakilala mo siya sa 'kin ngayon bilang suitor mo!"

"Kung gusto mo siya makilala, Ate, ikaw ang pumunta sa bahay nila," biro ko.

"Oo nga. Siya ba ang mag-aadjust sa 'yo? VIP ka ba?" dagdag pa ni Kuya.

"Aba, kung makapagsalita kayo sa 'kin, parang hindi niyo ako Ate, ha!"

"'Pag bardagulan, bardagulan lang. Walang kapatid-kapatid," sagot ni Kuya.

"Ah, talaga? Lunurin kaya kita?"

Sa buong pagsi-swimming tuloy namin, nag-bardagulan lang kaming tatlo. Naglaro pa kami noong patagalan sa ilalim ng tubig tapos dinadaya naman kami ni Kuya!

Nang mapagod kami mag-swimming, umupo kami sa gilid ng pool at nagkwentuhan na lang. Ako pa nga ang topic!

"Bagay kaya kayo ni Donny! Noon ko pa napapansin! Sana hindi na kayo maghiwalay!" sabi ni Ate sabay hampas sa hita ko. Ang sakit!

"Ganiyan din 'yung sinabi mo sa 'min, Ate! Tingnan mo, naghiwalay naman kami," sagot naman ni Kuya. Nasa gitna nila akong dalawa habang nakababad sa tubig ang mga paa namin.

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon