82: Face the cookie

905 25 23
                                    

DONNY'S POV

When I reached the sala, nakita kong inaalalayan nila Mommy si Belle habang nakapalibot sa kanila sila Ate Ella. Si Hannah na nasa tabi ko lang kanina, nakatakbo na agad sa kanila at tumulong sa pag-alalay kay Belle. They're all panicking. Habang 'yung mismong manganganak, relax at chill lang.

Nang lumapit ako sa kanila, binuhat ko na si Belle para mabilis siyang maisakay sa sasakyan at madala na sa hospital. Lahat pa sila ay gustong sumama. Bakit hindi na lang kaya silang lahat ang sumama at si Belle na lang ang maiwan dito?

Sa sasakyan nila Daddy kami sumakay dahil 'yon ang pinakamalapit sa gate. I made sure na comfortable muna si Belle sa pwesto niya bago ako bumaba ng sasakyan at kinausap ang mga maiiwan sa bahay.

Mommy will go with us to the hospital together with Daddy and Hannah. Naiwan naman sa bahay sina Ate Ella kasama ng mga bata at nila Ate Mei.

"Comfortable ka ba sa pwesto mo?" I asked Belle for the nth time. Kalmado pero mabilis magdrive si Daddy kaya malapit na rin kami sa hospital. Konting tiis na lang, Tink!

Nakasandal siya sa braso ko habang hawak niya ang dalawang kamay ko. Kahit mukhang relax at chill 'yan, alam kong sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Ang hirap talagang tingnan kapag nahihirapan at nasasaktan siya.

"Yes," halos pabulong niyang sagot. Niyakap ko na lang siya gamit ang isa kong braso. Ayaw niyang bitawan 'yung isang kamay ko. Napapaghipit din ang hawak niya sa kamay ko tuwing sumasakit lalo ang nararamdaman niya.

Habang nasa daan kami, si Hannah yata talaga ang totoong manganganak. Siya ang tense na tense, eh! Tuwing napapasigaw si Belle sa sakit, siya 'yung nagpapanic. Gusto ko na nga siya pababain. Ang ingay! 

When we reached the hospital, may stretcher na agad na naghihintay sa labas. The moment the car stopped, I immediately opened the door and carried her out. Mabilis pero maingat ko siyang hiniga sa stretcher.

Relax lang ang itsura ni Belle. Tho, namumutla siya at pinagpapawisan ng malamig. Hindi ko rin binitawan ang kamay niya hanggang makapasok na kami sa loob.

"Donny..."

I looked at Belle when she suddenly called me. Mahina lang 'yon pero rinig na rinig ko. Hinawakan ko ang noo niya at bahagya akong yumuko.

"You can do this, okay?" I told her. "3 times mo na 'tong nagawa. Sisiw na lang 'to sa 'yo."

Tumango naman siya. That's my wife! "Sasamahan mo ako sa loob, ah?"

"Of course! I won't leave you alone. Don't worry."

Sasakalin ko silang lahat kapag hindi nila ako pinapasok sa loob!

Hindi rin naman agad nagsimula ang delivery ni Belle. May mga ginawa pa sa kaniya 'yung OB niya. Habang hindi pa nagsisimula ay nasa tabi lang ako ni Belle at pinapalakas ko ang loob niya.

Nagawa na niya 'to for three times pero alam kong kinakabahan pa rin siya ngayon. Kahit ako. 3 times na akong napunta sa ganitong sitwayson pero kinakabahan pa rin ako. Hindi ko lang pinapakita sa kaniya kasi sa 'kin siya kumukuha ng lakas.

"Masakit pa ba?" I asked her. Kahit obvious naman na masakit pa rin. Nakatingin lang kasi siya sa ceiling habang tahimik.

Tumingin siya sa 'kin. "Oo," she whispered. Humawak siya nang mahigpit sa kamay ko. "Dito ka lang, ah?"

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa 'kin kaya hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko na hawak niya rin kaya hawak ko rin ang kamay niya.

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon