"Hi, guys! Hello!"
Hindi ko alam kung kakilala ba talaga ni Jim ang halos lahat ng mga nakakasalubong namin o trip niya lang batiin lahat ng nakakasalubong namin? Kanina pa kasi siya bati nang bati sa mga students na nakakasalubong namin. Mukha namang kilala rin siya ng mga binabati niya kasi ngumi-ngiti at kumakaway naman sila kay Jim.
"Uy, buddy! Kayo pala 'yan!" bati niya ulit sa nakasalubong naming grupo ng mga lalaki. Umapir sila kay Jim at bumati rin bago kami nagpatuloy maglakad.
Galing kaming canteen. Katatapos lang ng first subject namin tapos si Limer, nagyaya mag-canteen. Alam niyo naman, laging gutom 'yon! May bulate na yata sa tiyan 'yan, eh!
Noong papunta pa lang kami sa canteen, bati na nang bati si Jim sa mga nakakasalubong namin. Ngayon na pabalik na ulit kami sa classroom, bati pa rin siya ng bati. Lahat yata ng tao rito sa Campus ay kakilala niya. Pati siguro mga ligaw na kaluluwa rito, kilala niya rin.
"Tapos na ba? Wala ka na babatiin? Final na?" tanong ni Limer kay Jim.
"Buddy naman, hindi ka pa nasanay! Alam mo namang friendly ako! Isa pa, kapag ganito talaga ang mukha mo, marami talagang makakakilala sa 'yo," sagot ni Jim habang nakaturo sa mukha niya.
Napa-ubo tuloy si Criza habang kumakain ng waffle. "Bakit? Snatcher ka sa Recto, 'no? Kaya maraming nakakakilala sa 'yo?"
Natawa naman kami nila Gello at Limer habang masama ang tingin ni Jim at Criza sa isa't-isa. Nandito pa kami sa gitna ng hallway. Wala talagang pinipiling lugar ang dalawang 'to. Kahit saan, nagba-bardagulan, eh!
"Maanod ka sana mamaya hanggang West Philippine Sea!" sagot naman ni Jim bago tumuloy sa paglalakad. Naglakad na rin kami habang tumatawa sa kanilang dalawa.
Habang paakyat na kami sa 4th floor, pinaguusapan pa rin namin kung bakit maraming kakilala si Jim dito sa Campus. Grabe, nakakapagod umakyat, ha! Dagdag mo pa na tumatawa kami at nagsasalita pa! Pagdating namin sa classroom, wala na 'yung kinain namin! Gutom na kami ulit!
"Hindi ko na alam kung friendly ka ba talaga o kakandidato kang Mayor?" tanong ni Limer pagkatapos may batiin ulit si Jim na nakasalubong namin.
Sasagot pa sana si Jim nang biglang may bumati naman sa kaniyang tatlong babae. Kumaway naman si Jim at nakipag-ngitian doon sa tatlo. Pag-alis ng tatlong babae, humarap sa 'min si Jim.
"Sino 'yung tatlong 'yun?"
Tumawa ako sa tanong niya. "Aba, malay namin! Ikaw 'tong binati, eh!"
"Gago, hindi ko na sila matandaan," sagot ni Jim na ikinatawa namin. Ang dami niya kasing kilala, eh. Ayan, hindi na niya matandaan 'yung iba!
"Bawat course yata rito, may kakilala ka eh, 'no?" tanong ni Criza.
"Baka pati sa high school department, may kakilala ka rin, ha!" sabi naman ni Gello.
"Magulat tayo, pati sa Profs, may kakilala rin siya," sabat naman ni Limer. "Umamin ka, Jim, childhood friend mo si Dean, 'no?"
Tumawa naman 'tong si Jim. Buti na lang, walang masyadong tao rito sa hallway sa 4th floor. Kami lang ang naglalakad ngayon. "Hindi, 'no! Kapitbahay ko lang si Dean," biro niya.