73: Bangs

1K 25 11
                                    

BELLE'S POV

"Say goodbye to Mommy! Bye, Mommy!"

Grabe talaga 'tong si Mommy! Isasama na naman niya si Gabbie kung saan-saan tapos hindi man lang ako isasama! Nakakasama ng loob!

"Hindi mo ba talaga ako isasama, Mommy?" nakanguso kong tanong habang naglalakad kami palabas ng gate. Dala ko pa ang backpack ni Gabbie.

"Hindi."

Tingnan niyo! Ang bilis ng sagot! Hindi man lang nag-isip saglit. O kahit man lang utuin ako! Kunwari gusto niya akong isama kahit ayaw niya talaga. Kahit ganoon man lang!

Ngumiwi na lang ako at binigay na kay Mommy ang backpack ni Gabbie. Nagpaalam na rin ako sa baby ko na mukhang masaya pa na hindi niya ako kasama!

"Mommy, si Gabbie po, ha! Mahirap palitan 'yan kaya ingatan niyo."

Tinawanan ako ni Mommy at mahina pa akong hinampas. "Masama pa nga ang loob ko, eh! Bakit kasi nasa School pa 'yung dalawang boys?"

Ngumiwi ako. "Bakit parang kasalanan ko pa na may pasok sila?"

Am I the Principal?!

"O, sige na. Iwanan ka na namin. Bye!"

Kumaway na lang ako kay Gabbie bago sila tuluyang umalis. Hindi ko alam kung saan sila pupunta. Pero sure naman akong mag-eenjoy doon si Gabbie. Masama nga lang ang loob ko dahil hindi talaga ako sinama ni Mommy! Kapag nagka-apo ako kay Gabbie sa future, hindi ko rin isasama si Gabbie kapag igagala ko ang apo ko. Charot!

Pumasok na lang ulit ako ng bahay. Wala akong magawa kaya paikot-ikot lang ako. Kapag ganitong wala akong magawa, basta kasama ko si Gabbie ay okay lang. Ngayon na wala na nga akong magawa, hindi ko pa kasama si Gabbie, mababaliw na yata ako rito!

Tinawagan ko si Donny pero hindi naman siya nasagot. Hindi pa yata tapos ang meeting niya. Ano ba 'yan? Bakit parang lahat ng tao ngayon ay may ginagawa? Bakit ako, walang magawa? Tao ba ako?

Habang iniisip ko kung tao ba talaga ako, bigla namang tumunog ang phone ko.

My husband:

Hoy belinda

Belle:

oh?

My husband:

Anong oh? Parang di asawa kausap ah 🥺

Belle:

ikaw nga maka hoy diyan eh parang di asawa kausap ah 🙄

My husband:

Hahahaha edi hello belinda my love so sweet honeybunch sugar pie

Belle:

ANO BA HAHAHAHAHAHAHA

My husband:

Hahaha sorry di ko nasagot tawag mo kanina

And ngayon ko lang din nabasa message mo

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon