40: Upuan

588 18 2
                                    

"Belle, can I ask you something?"

Kanina ko pa napapansin na parang hindi mapakali 'tong si Donny. Magkatabi pa kami sa couch kaya nararamdaman ko ang bawat kilos niya. Hindi ko alam kung nagpa-panic ba siya o naiihi? Ang likot, eh!

"Of course," sagot ko nang hindi siya tinitingnan. Nagta-type ako sa laptop at medyo marami akong gagawin ngayong araw. Si Donny naman ngayon ang maluwag ang schedule kaya paupo-upo lang siya rito sa tabi ko. Sana all, parelax-relax lang!

Tumikhim si Donny at tumahimik. Ano kayang iniisip niya? Is there something that's bothering him right now? Hindi rin siya nakatingin sa 'kin noong bahagya ko siyang nilingon. He's also playing with his fingers. Bagay na ginagawa niya kapag kinakabahan siya o nabobother siya about something.

"What is it? You can tell me anything," kalmado kong sinabi. Tinigil ko na ang ginagawa ko at nag-focus sa kaniya. Hinawakan ko ang mga kamay niyang hindi mapakali.

Nagkatinginan kaming dalawa. I'm always ready to listen kapag magsasalita siya. Kahit may sense man o wala, nakikinig pa rin ako. Kapag kalokohan nga lang, binabara ko siya. Ang daming alam, eh!

"Belle,"

"Hmm?"

"Mamahalin mo pa rin ba ako kapag naging lamok ako?"

I blinked twice. Ay, hindi. Hindi lang pala twice. Basta marami! I can't believe him! Eto ba 'yung iniisip niya kaya mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa?! Parang gusto kong manuntok!

Kinagat ko ang labi ko at pinigilang matawa. Gusto kong tumawa pero seryoso ang mukha ni Donny. Seryoso ba talaga siya sa tanong niya?

"Ano ba 'yan, Dons?!" hindi ko na napigilan ang tawa ko. Tumawa ako nang tumawa habang nakasimangot siya.

"Sagutin mo ako, Belinda!"

"Sinagot na kita, ah?" sagot ko habang natatawa pa rin.

"I mean, sagutin mo 'yung tanong ko kanina!" pamimilit niya. Hinawakan pa ang kamay ko na parang bata na pinipilit ang Mommy niyang ibili siya ng laruan.

"Seryoso ka ba?"

Ngumuso siya lalo dahil tawa pa rin ako nang tawa. Pinipigilan ko naman, eh! Pero natatawa pa rin ako!

"I'm serious!" nakanguso niyang sagot.

"Okay," sabi ko at pinigilan ang tawa. Pumikit ako at kinagat ang labi ko. Pero noong nagmulat ako at nakita ko si Donny na seryosong nakatingin sa 'kin, tumawa na naman ako nang tumawa.

"Belinda!"

"Wait lang kasi! Tawang-tawa talaga ako!"

Lumayo ako nang kaonti sa kaniya at tumawa nang tumawa habang nakahawak na sa tiyan ko. Grabe, umalingawngaw sa buong office ko ang tawa ko. Hindi naman ako ganoon kalakas tumawa kaya hindi naman siguro rinig sa labas ang boses ko. Unless, si Criza ako. Kapag tumawa 'yon, pati kabilang building ay mabubulabog.

"Ayoko na nga! Pinagtatawanan mo naman ako!"

Hindi ko talaga alam kung bakit nagiging ganito si Donny minsan. Cute naman siya, pero minsan, gusto ko na siya tadyakan!

"Napaka-arte mo!" reklamo ko.

"Kapag ikaw ang nagtatanong sa 'kin ng mga ganoong bagay, sumasagot ako nang maayos at hindi kita pinagtatawanan!" sumbat niya. Naka-cross arms pa habang naka-sandal at nakanguso.

Tumatawa pa rin ako kaya lalo siyang nainis. Lakas naman ng loob niyang mainis! Ako nga, iniwanan ko 'yung ginagawa ko para lang marinig ang tanong niyang, 'Mamahalin mo pa rin ba ako kapag naging lamok ako?'. Jusko po! Cute talaga ng boyfriend ko, sarap ibaon sa lupa. Cheret!

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon