Tapos na ang pachill-chill namin! Nag-start na ang OJT namin last week. So far, masaya naman. Nag-eenjoy naman ako sa hotel na pinasukan namin. Kasama ko sa hotel sina Criza, Limer at Jim. Pero kami ni Jim ay sa pastry department naka-assign. Sina Limer at Criza naman ay sa main kitchen naghahasik ng kaingayan.
Sina Donny naman, dito rin sa Alabang nag-OJT. Iba lang ang hotel nila. Pero malapit lang din dito sa hotel namin. Ang nahiwalay lang sa 'min ay sina Dalia. Nasa Tagaytay lang naman sila. Gusto kasi ni Dalia na laging nakikita ang Taal Volcano. Kaloka!
Kasama niya sa Tagaytay sina Sophie, Melly at Ashley. At syempre, hindi naman magpapa-iwan si Miah, 'no! Mas lalong hindi magpapa-iwan si Gello! Pinagpalit talaga ni Gello sina Donny kay Ashley. Ang pokmaru talaga ng friend namin!
Etong si Jim, gusto rin sana sa Tagaytay para raw lagi niyang nakikita si Sophie. Hindi ko alam kung crush niya ba si Sophie o pinagtitripan niya lang? Anyway, gusto ko rin mag-Tagaytay ni Jim. Kaya lang, baka hindi raw siya makaligo tuwing umaga kapag doon siya sa Tagaytay magsa-stay. Ang lamig kasi sa Tagaytay ngayon.
Kasama nila Donny sina Vivoree at Kaori sa hotel. Syempre naman, 'no! Hindi papayag si Rhys na malayo sa kaniya si Kaori! At ganoon din si Kaori. Pero si Joao at Criza, magkahiwalay sila ngayon. Kinilig nga ako noong mas pinili ni Criza na sumama sa 'kin kaysa kay Joao, eh. Hah, sabi na, eh! CrizBelle lang malakas!
"Oy, buddy! Nandito ka na pala!"
Nagulat naman ako kay Jim! Bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Kalalabas ko lang ng locker kasi nagbihis pa ako. Hindi naman kami sabay pumasok nila Jim kasi nagkita kami ni Donny kanina. Kaya si Donny na ang naghatid sa 'kin dito.
"Nakakagulat ka naman!" reklamo ko. "Kararating ko lang."
"Medyo kararating lang din namin. Tangina, hinabol kami ng aso kanina!" pagkekwento ni Jim.
Habang naglalakad kami papuntang pastry kitchen, kine-kwento lang ni Jim ang pang-hahabol sa kanila ng aso. Walking distance lang kasi 'yung dorm namin mula rito sa hotel. Kaya, nilalakad na lang namin kapag papasok kami at uuwi.
"Edi pabilisan kayong tumakbo?" natatawa kong tanong.
"Oo. Tapos si Limer, feel na feel pa ang pagtakbo. First time raw na may naghahabol sa kaniya."
Dahil malaki 'tong hotel na pinapasukan namin, halos hindi na namin nakikita sina Criza at Limer. Minsan, swertehan na lang kapag nagpapang-abot kami sa cafeteria. Most of the time, sa uwian na kami nagkikita-kita.
Pagpasok namin ni Jim sa kitchen, binati namin ang mga kasama namin doon. Ang saya mag-work kapag ka-vibes mo 'yung mga kasama mo. Kahit nakakapagod 'yung ginagawa niyo, keri lang kasi happy naman kayo. At ganoon kami rito. Sobrang bait nila sa 'ming mga Interns.
Gumagawa kami ni Jim ng chocolate ganache nang lumapit sa 'kin 'yung CDP namin.
"Neng, single ka ba?"
Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Po?"
"Kasi, crush ka raw noong dalawang waiter. Intern din sila."
"Nako, Chef, pasasabugin tayo rito kapag ni-reto niyo si Belle sa iba," singit naman ni Jim.
"Ay, taken ka na ba, baby girl?" pag-uusisa ng CDP namin.
"Chef, taken na 'yan! Nakita ko kanina, may naghatid sa kaniyang poging lalaki!" sabat naman ni Ate Jackie habang nakaturo sa 'kin. "O, 'wag mong itanggi," dagdag niya pa habang tumatawa.
Hindi pa naman kami ni Donny dahil graduation muna ang iniisip ko bago ang boyfriend. Pero gusto naman namin ang isa't-isa. Kaya kapag sinasabi nilang kami na, hindi na lang ako tumatanggi. Doon din naman ang bagsak namin. Wow!