"Dave, you're the Kuya, ha? You take care of your siblings. Behave kayo rito. 'Wag kayong makulit."
Umaga pa lang, hinatid na namin ang mga bata kanila Mommy. Iiwan muna namin sila rito kasi mamimili kami ng Donny. Malapit na naman magpasko kaya bibili na kami ng pang-Noche Buena. Tapos birthday din ni Gabbie sa Christmas day kaya double celebration. Isa pa, bibili na rin ako ng mga stocks sa bahay na aabot na hanggang next year.
Dahil kami lang ang nasa bahay dahil umuuwi nga sila Ate Mei sa mga fam nila kapag Christmas, wala kaming mapagiwanan sa mga bata. Ayoko naman silang isama lahat sa grocery. Bukod sa makukulit sila, turo pa sila nang turo. Si Ino, napakalikot ng batang 'yon! Kung saan-saan tumatakbo. Si Gabbie naman, gusto laging karga ni Donny. Si Dave, syempre, big boy na siya, nakasunod lang siya sa 'kin habang nakahawak sa braso ko. 'Yun nga lang, turo rin nang turo ng kung ano-ano. Kaya 'yung unang beses naming mag-grocery na kami lang, hindi na naulit. Kaloka!
"Yes, Mommy!" sagot naman ni Dave. Alam kong masaya silang nandito kanila Mommy kasi spoiled sila rito. Tapos pinapapunta pa ni Mommy dito sila Cali.
"Nasaan 'yung dalawa?" tanong ko. Hindi pa ako nakakaalis, kung saan-saan na agad napunta 'yung dalawa.
"Maybe with Lola?" sagot ni Dave. "Mommy, we're okay here. Daddy's waiting for you na po."
Tingnan mo 'to! Pinapaalis na ako! Tumawag na rin si Donny dahil nauna na siya sa sasakyan. Sabi ko, magpapaalam lang ako sa mga bata pero natagalan ako. Hindi ko na rin hinanap 'yung dalawa ko pang anak kasi nagpaalam na naman ako sa kanila kanina. Kinausap ko lang si Dave.
"Okay, alis na kami. Tell Lola na umalis na kami, ha? Bye!"
Pagkatapos kong magpaalam kay Dave, lumabas na rin ako ng bahay dahil tumatawag na naman si Donny. Hindi ko sinasagot ang tawag niya kasi palabas na naman ako.
"Akala ko, wala ka na balak lumabas, eh," bungad ni Donny pagpasok ko ng sasakyan.
Umirap ako habang nagsusuot ng seatbelt. "Epal ka!"
Habang nasa byahe kami, kinuha ko ang listahan ko ng mga bibilhin. Christmas na next week kaya ngayon na rin ako bibili ng mga regalo. Napatigil lang ako sa pagbabasa ng listahan ko nang sunod-sunod na tumunog ang phone ko.
"Sino 'yan?" tanong agad ni Donny. Saglit pa akong nilingon.
"Wait lang. Hindi ko pa nga nakikita," sagot ko. Nang binuksan ko naman ang phone ko, natawa na lang ako. "Sila buddy, nag-iingay na naman sa group chat."
Criza:
Hoy yung mga ninang at ninong diyan ng anak ko ha
Wala kayong takas
Gello:
Aba oo nga pala!
Mga ninong at ninang ni jellaine, galaw galaw
Jim:
Shuta lahat yata ng anak niyo, inaanak ko
Wag niyo rin kalilimutan anak ko aba kahit di niyo inaanak yon, bigyan niyo HAHAHAHAHA
Limer:
Wala ako sa Pilipinas next week
Gello:
Hahanapin ka namin limer
Criza:
Wala kang takas wahahaha
Jim:
![](https://img.wattpad.com/cover/269357557-288-k645412.jpg)