Note: 'Yung title ng chapter na 'to ang reaction ko sa mga kaganapan lalo na sa HIH Season 2 Trailer! Nakaka-excite kahit medyo masakit. Medyo masakit lang naman. Parang kagat lang ng dinosaur.
---
"Mommy, it's our summer vacation na po. Aren't we going somewhere?" tanong ni Ino habang kumakain kami ng breakfast. Mukha pa siyang excited kahit wala pa naman akong sinasabi.
"Where do you wanna go ba?" tanong ko habang sinusubuan si Sophia. Nakaupo siya sa high chair niya habang nakatingin sa 'kin. Hindi pa siya pwedeng kumain mag-isa. Tinatapon niya kasi lahat ng nahahawakan niya.
"Beach!" sabay pang sumagot si Ino at si Gabbie. Madalas man sila mag-away, palagi naman silang magkasundo kapag usapang beach or swimming.
Lumapit nang bahagya si Donny sa 'kin at bumulong. "Ang hilig talaga nilang mag-swimming. Sabi sa 'yo, eh! Dolphin sila sa past life nila."
Dahil sa sinabi niya, siniko ko siya sa dibdib nang medyo malakas. Nakita pa ni Sophia kaya natawa siya. Akala niya siguro ay naglalaro kami ni Donny.
"Alam mo, ikaw? Lahat na lang," sabi ko sabay irap kay Donny.
Tumawa naman siya at hinawakan ang bahagi ng dibdib niyang siniko ko kanina. "Joke lang naman. Pero ang sakit no'n, ha!"
Natawa na lang ako at hindi na siya pinansin. Malayo naman 'yon sa bituka niya tsaka ki-kiss ko naman mamaya kaya 'wag na siyang maarte. Charot! Anong kiss? May bayad na bawat kiss ko!
Pinakinggan ko na lang ang mga sinasabi nila Ino at Gabbie habang pinapakain ko pa rin si Sophia. Magkasundo silang dalawa ngayon. Mamaya, magbabatuhan na naman ng unan ang dalawang 'yan. Last time, nagbatuhan sila ng unan sa sala. Tapos natamaan si Donny sa mukha. Grabe 'yung tawa ko! Pero pinagsabihan ko rin naman 'yung dalawa pagkatapos kong tumawa.
"Why are you quiet, Kuya Dave?" biglang tanong ni Donny sa panganay naming tahimik na kumakain.
Nag-angat ng tingin si Dave sa 'min at ngumiti. "Nothing po."
"How about you, Dave? Where do you wanna go?" I asked.
"I'm fine with anywhere po."
"Kuya, sabihin mo, beach din," bulong naman ni Ino sa Kuya niya kaya natawa kami. Push mo 'yan, Ino!
"Beach daw po," natatawa namang sagot ni Dave.
Bigla namang nagsalita si Ino at nagkwento ng mga unforgettable moments niya kapag pumupunta kaming beach. Hindi pala-kwento 'yan pero kapag usapang beach or swimming talaga, ike-kwento niya lahat ng gusto niyang ikwento.
Napalingon ako kay Donny nang kulbitin niya bigla ang kamay ko. Tapos bahagya pang hinihigit 'yung ring finger ko. Ano na namang problema niya?
"Why?" tanong ko.
Nakangiti lang siya habang umiiling. Gusto lang pala niya hawakan ang kamay ko. Ako naman ang nahihirapan sa ginagawa niya, eh. Isang kamay lang tuloy ang nagagamit ko sa pag-kain ko at sa pagsubo kay Sophia.
Maya maya ay kinuha ni Donny ang pagkain ni Sophia at siya na raw ang magpapakain kay baby. Tapos na rin kasi siya kumain. Buti na lang din at mukhang maganda ang gising ni Sophia at pumayag na Daddy niya ang magpakain sa kaniya. May taglay din kasing kaartehan 'tong si Sophia. Gusto lagi ay ako ang magpapakain sa kaniya. Umiiyak kapag si Donny o 'yung mga kapatid niya ang magsusubo sa kaniya. Nagmana talaga ang mga anak namin kay Donny. Maliban kay Dave na sa 'kin nagmana. Hah!
Napatingin naman ako kay Dave nang kumuha siya ng garlic rice. Nakangiti pa siya habang nagsasandok ng rice at napapailing pa na parang may naaalala. Nako, delikado ka na talaga, Dave Ezekiel!
![](https://img.wattpad.com/cover/269357557-288-k645412.jpg)