96: Muse

885 23 13
                                    

DONNY'S POV

"Tink, ang tagal! Ang tagal talaga! Ang tagal-tagal!"

She's been inside the walk-in closet for almost an hour. Alam kong matagal siyang magbihis at mag-ayos pero hindi naman ganito katagal. I don't know if she's taking a hard time deciding on what to wear or she's just doing this to annoy me.

"Maghintay ka! Bwiset na 'to!"

Tumawa na lang ako sa sinabi niya. Bakit parang kasalanan ko pa na ang tagal niya at naiinip na ako? Siya na ang hinihintay, siya pa ang galit. Ibang klase talaga 'tong asawa ko!

Ayoko naman siyang puntahan doon at baka lalo lang siyang hindi matapos magbihis. Kasi guguluhin at aasarin ko lang siya. O, ano? Iba na naman ang naisip niyong gagawin ko kaya siya lalong hindi matatapos magbihis? Grabe na kayo sa 'kin, ha!

While waiting for Belle, tumingin ako sa paligid para maghanap ng gagawin. Ayoko na kasing mag-phone dahil tatanungin na naman ako ni Joao kung nasaan na kami. He's calling me every 15 minutes just to ask that. I'll block his number if he'll call me again later.

I looked at the pictures frames that are hanged on the wall. We have a family picture at the center. Tapos may nakapalibot na mga baby pictures namin. Nandoon din ang mga pictures namin ni Belle since college. While looking at those pictures, I can't help but reminisce how it started. We started as strangers. Then we became friends. After that, we became lovers. And now, we have our own family. Planning to have Pangilinan number 5 pa. Lol. We've come a loooong way. What a journey!

While I'm in the middle of reminiscing our memories, Belle suddenly went out from the walk-in closet. Hinabol ko siya ng tingin habang lakad siya nang lakad. Grabe, umiikot sa buong corners ng room 'yung amoy niya. Sobrang bango. Kung siya, adik sa amoy ako. Adik din ako sa amoy niya!

"Finally, natapos din!" pang-aasar ko. I even stretched my arms para convincing naman ang pang-aasar ko.

Dumaan siya sa harapan ko habang inaayos niya ang laman ng hand bag niya. Nilagay niya rin doon ang phone niya at phone ko na parehong nakapatong lang sa bed. After that, she glared at me.

"Maka-finally ka naman!"

"Ang tagal mo, eh. Masyado ka pa kasing nagpapaganda. Lagi ka namang maganda sa paningin ko," I said and winked at her.

She chuckled and rolled her eyes. "Alam mo, sabihin mo na lang kung saan ka na naman pupunta mamaya. Papayag naman ako."

It's now my turn to glare at her. "Wala naman akong pupuntahan."

I'm always telling her that she's always beautiful in my eyes. Pero hindi naman siya naniniwala! Laging iniisip na sinasabi ko lang 'yun kasi may kailangan ako. Grabe ka na talaga, Belinda!

"O baka naman may kasalanan ka sa 'kin?" she asked while smirking.

"Wala rin!" naiinis ko ng sagot.

She chuckled. "Okay, naniniwala na ako. 'Wag ka na mag-tantrums. Tara na!"

Kinuha niya ang remote ng aircon para i-off 'yun. In-off na rin niya 'yung mga lights na bukas. I'm just watching her doing those things while she's saying something. Hindi ko naintindihan ang mga sinasabi niya. Noong napansin niyang hindi ako nakikinig sa kaniya, tumigil siya sa pagsasalita at tiningnan ako.

"Why?" I asked.

"Hindi ka nakikinig sa sinasabi ko. Puro ka kasi titig sa 'kin!" she said which I agreed. If you were on my position, I swear, you'll do the same.

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon