16: Titig pa more?

672 19 3
                                    

"Yes? Anong tinitingin-tingin mo sa ripe mango shake ko?" nang-aasar na tanong ni Donny.

Umirap ako at nag-iwas ng tingin. Akala naman niya, aagawin ko 'yung shake niya! Mas masarap naman 'tong calamansi cucumber shake ko! Pero gusto ko rin 'yung shake niya kasi all-time favorite ko 'yun! Pinili ko lang 'tong calamansi cucumber shake kasi ang ganda ng itsura sa menu.

"Akala mo naman, aagawin ko 'yang shake mo!" punong-puno ng sama ng loob kong sabi.

Natawa naman si Donny. Bahagya pa siyang lumapit sa table bago nagsalita. "Pwede ka namang humingi, bibigyan naman kita."

"Talaga ba?" tanong ko. Kinuha ko na agad ang spoon ko at handa na kumuha sa shake niya.

Pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paglayo ng shake niya. "Pero mamaya na. Hindi pa tayo kumakain. Baka sumakit tiyan mo, sige ka."

May point naman siya kaya hindi ko na pinilit. Nag-usap na lang kami tungkol sa ibang bagay habang hinihintay ang order namin. Ang dami ko rin talagang natututunan dito kay Donny, eh. Minsan naman, masaya siya ka-deep talks. Minsan nga lang, nakakainis kausap lalo na kapag puro kalokohan ang sinasabi.

Pagdating ng order namin, tumahimik na kami sandali. Walang diet-diet sa 'min! Pareho kaming naka-garlic rice. At hindi lang 'yon, may extra rice pa si Kuya niyo Donny! Kaya siguro g na g siya magwork-out lagi. Kasi kailangan niya i-burn ang mga fats and calories ng mga kinain niya.

"Gusto mo?" tanong niya nang makitang nakatingin ako sa extra rice niya. Busog na ako, 'no. Napatingin lang ako sa kaniya kasi ang pogi niya pa rin habang kumakain.

Umiling ako at tumingin na lang sa ibang bagay. "No, thanks."

"O-order pa akong extra rice kung gusto mo talaga," sabi niya. Tunog nang-aasar pa. "I mean, Belle, okay lang naman. Crush pa rin naman kita kahit ang lakas mo kumain."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Excuse me?"

Tawa naman siya nang tawa sa reaction ko. "Okay lang mag-extra rice. If you're worried about your figure, sabay tayong magwork-out."

"Gusto mo lang yata akong yayain magwork-out ulit, eh. Dadamay mo pa ang inosenteng extra rice."

Tinatawanan lang niya ang mga sinasabi ko. Tinigilan na rin naman niya ang kakapilit sa 'kin mag-extra rice. Ine-enjoy ko na lang ang shake ko habang kumakain siya.

Speaking of shake, binigay niya rin sa 'kin kanina ang ripe mango shake niya para tikman ko raw. Pero 'yung tikim ko, pangmalakasan, eh. Nangalahati na agad ang shake niya. Kaya in-offer ko na lang sa kaniya ang calamansi cucumber shake ko. Palit na lang kami ng drinks. Tinanggap naman niya, labag sa kalooban nga lang.

"Masarap naman, 'di ba?" tanong ko nang inuubos na niya ang calamansi cucumber shake.

Tumango lang siya at sinamaan ako ng tingin. "Sa susunod na kakain tayong dalawa, gagayahin ko na lang ang drinks mo para hindi mo na mapapalitan 'yung drinks ko!"

"Ah, ganoon? Sinong may sabing may susunod pa 'to?" pang-aasar ko.

Agad naman siyang ngumiti sa 'kin. "Joke lang! Ikaw naman! Okay lang sa 'king kuhanin mo ang drinks ko. Gusto mo, pati na rin order ko, eh. Sa 'yo na lahat. Pati ako!"

Ngumiti na lang ako habang naka-ngisi siya. Ang dami talagang alam ng lalaking 'to! Hindi naman ako kinikilig! Super kinikilig lang!

Pagkatapos naming kumain, nagtawag na si Donny ng waiter para sa bill. Nag-away pa kami kung sinong magbabayad. Kaya sabi ko, bayaran niya ang kinain niya at babayaran ko naman ang kinain ko. Ayaw pa nga niyang pumayag kaya binola-bola ko pa nang kaonti.

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon