08: Real Score

816 22 1
                                    

Belle:

update pls

Limer:

Belle inaayos na namin yung para sa mga water stations

Kararating lang nung mga tubig eh

Belle:

ah okie marami naman kayo riyan?

Limer:

Oo keri naman halos present na lahat rito

Belle:

mamaya na kayo pumunta sa mga stations niyo ha hintayin niyo ako

magmemeeting pa tayo tsaka may dala akong breakfast

Jim:

Yun ohhh apaka galante talaga ng events manager namin!!

Gello:

Tsaka ka lang sumulpot buddy kapag tungkol sa pagkain ah HAHAHAHAHA

Jim:

Aba oo magpapanggap pa ba ako buddy eh nagugutom na ako hindi ako nag breakfast HAHAHAHAHA

Belle:

HAHAHAHA konting tiis na lang guys malapit na ako

paabang nalang sa gate ha ilang boxes din to

Gello:

Sige belle lalabas na kami nila donny

Belle:

magchachat ako pag malapit na ako

tumulong muna kayo riyan sasapakin ko ang walang ginagawa

Jim:

Si sir walang ginagawa belle

Gello:

HAHAHAHAHAHAHAHA SIRAULO

Belle:

ewan ko sa inyo hahaha tumulong kayo riyan kanila limer ha!

Akala ko pa naman, kapag natapos na ang Food Fest, tapos na rin ang stress at pagod namin! Introduction pa lang pala 'yon! Anak ng pating!

Kung noon, participant lang kami sa event, ngayon naman, kami mismo ang host! Kami rin ang organizer, kami lahat! Pati paghahanap ng mga sponsors, sa 'min din! Tapos, Fun Run pa 'tong napatapat sa section namin. Syempre, kailangan naming maghanap ng sponsor ng mineral water. Kung wala lang kaming nahanap, magtiis sila sa tubig-ulan. Char!

Tapos, syempre, may merienda pa pagkatapos ng Fun Run. Tapos, kailangan may Zumba session rin pagkatapos. Ganoon lagi ang routine kapag may Fun Run dito sa School, eh. Buti na nga lang, hindi naman whole day event 'tong Fun Run. Ah, bahala na! Matatapos din 'to! Go, Bears! Fight and Win! Hoo-Haa!

[He's into Her series every Friday (on IWANT App) and Sunday (on Free TV). Yay! Hoo-Haa! - xxxluhanxxx]

"Nasa School na ba ang mga classmates mo?" tanong ni Daddy habang nagda-drive.

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon