Note: Thank you for waiting! Sorry, natagalan. Naging busy lang ako tsaka hindi ko nakaya magsulat lately. Kahit gusto ko magsulat at nasa utak ko naman 'yung mga isusulat ko, pero hindi ko naman naisusulat nang maayos. Hindi ako satisfied. Naka-ilang drafts ako sa chapter na 'to at na-frustrate ako kasi hindi ko 'to matapos nang maayos. Hindi ko rin alam anong nangyari sa 'kin. Haha! But here it is. Enjoy! :)
---
BELLE'S POV
Hindi pa ako inaantok kaya niyaya kong manood ng movie si Donny. Kanina niya pa ako pinapatulog pero talagang hindi pa ako inaantok kaya hanggang ngayon ay gising pa rin kaming dalawa. Kaya nanood na kami ng movie para antukin na ako. 'Yun nga lang, imbes na antukin ako, parang sumama pa ang loob ko. Ako naman ang pumili ng pinapanood namin, pero hindi ako natuwa sa pinili ko!
Napatingin ako kay Donny nang bigla siyang tumawa. Focus na focus siya sa pinapanood namin habang hinahaplos niya ang buhok ko. Buti pa siya, natutuwa sa pinapanood namin. Sana pala, HIH Season 2 na lang ang pinanood namin kahit mapanakit na 'yung mga episodes. Lintek! Hindi na nga matuloy-tuloy 'yung kiss ng dalawang bida, mapanakit pa 'yung mga scenes!
Humarap ako kay Donny kaya napatigil siya sa paghaplos sa buhok ko. Nakahiga na ako habang nakaupo naman siya sa tabi ko at nakasandal sa headboard.
Nagulat ako nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Pero hindi naman kasing-lapit ng mukha ng DonBelle sa totoong buhay kapag nag-uusap sila. Tiningnan niya lang ako kasi humarap ako sa kaniya.
"Why? May masakit sa 'yo?" nag-aalala niyang tanong kahit wala naman siyang dapat ipag-alala kasi gusto ko lang naman humarap sa kaniya.
Umiling ako at tumingin na ulit sa TV. "Wala naman."
Pinagpatuloy niya ulit ang paghaplos sa buhok ko. Alam niya kasing inaantok ako kapag ginagawa niya 'yun. Hindi nga lang yata effective ngayon kasi hindi talaga ako inaantok. Isa pa, galaw nang galaw si baby kaya hindi talaga ako makatulog.
Speaking of baby, malaki at mabigat na si baby kaya nasa guest room na ulit kami. Hindi ko na kayang umakyat ng mga stairs. Kahit nga paglalakad, nahihirapan na rin ako. Iba yata ang bigat ni baby. Baka paglabas niya, pwede na siya i-enroll sa elementary. Charot!
Our 5th child is a baby girl. Natuwa ako noong nalaman kong little Belle ang nasa tiyan ko kahit hindi ko magagamit sa kaniya 'yung pangalang 'Junjun' kasi girl siya. Next time ko na lang 'yun ipapangalan kapag humirit pa si Donny ng kasunod. Iba talaga kapag basketball player 'yung asawa. Basketball team ang balak. Ayan nga, kumpleto na ang first 5 namin. Ahahaha!
"Sleep ka na. It's getting late na," he softly said.
Kahit gaano pa ka-soft ang boses ni Donny, hindi pa rin ako inaantok. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko para antukin na ako kasi gising na gising pa talaga ang buong pagkatao ko.
"Hindi ako inaantok, eh."
"Hindi ka naman kasi nanonood. Kaya nga tayo nanonood ng movie, para antukin ka."
"Ayoko naman kasi niyan," nakasimangot kong sagot.
Bigla namang tumawa si Donny at nilapit na naman ang mukha niya sa mukha ko. Mahina pang pinisil ang baba ko.
"Ikaw pumili ng movie na 'yan, ayaw mo naman pala niyan. Tinotoyo ka na naman, Tink?"
Natawa ako. "Akala ko kasi, maganda!"
Kinuha ni Donny ang remote at handa ng palitan ang pinapanood namin pero pinigilan ko. Malapit na kami sa kalahati kaya tapusin na namin 'yung movie. Tsaka siya naman talaga ang nanonood. Nakikitingin lang naman ako sa TV kahit wala naman akong naiintindihan sa mga nangyayari.