35: Sharing is Caring

712 13 0
                                    

"Ang cute mo naman dito, Belle! Ang liit mo pa! Ang LIIT!"

Tiningnan ko nang masama si Donny nang ilapit niya sa mukha ko ang isang childhood picture ko na galing sa wallet niya. Lahat na ng picture ko sa wallet niya ay kanina niya pa pinagtitripan. Asar na asar na nga ako, eh! Gusto ko na lang hablutin 'yung mga picture at hindi na ibigay sa kaniya kahit umiyak pa siya ng dugo!

"Talagang may diin 'yung word na 'liit', ha!" gigil na gigil kong sagot. May kasama pang hampas sa braso niya.

Tumawa naman si Donny habang binababa ang braso niyang hinampas ko. Muntik pa niyang nabitawan ang picture na hawak niya.

"Ang sakit, ha!" daing niya habang hinihimas 'yung part na hinampas ko. "Bakit mo ba ako hinampas? Ang cute mo naman dito, eh!"

Pinakita niya ulit sa 'kin ang picture ko. Malayo kasi 'yung pagkakakuha ng picture kaya ang liit kong tingnan sa picture. Pero maliit naman talaga ako noong bata. Pero noon lang 'yon! Lumaki naman ako, 'no! Bwiset lang 'tong si Donny! Palibhasa, matangkad siya!

"Cute pero tawa ka naman nang tawa?" tanong ko sabay irap.

Tumawa na naman si Donny kaya lalo na naman akong nainis. "Cute naman talaga! Mukha ka pa ngang mabait dito, eh? Mukha lang, ha?"

Hahampasin ko sana ulit siya kung hindi niya lang nahawakan ang kamay kong didikit na sana sa balat niya.

"Sinasabi mo bang mukha lang akong mabait?!"

"I didn't say anything!" depensa naman niya habang tumatawa.

Binawi ko ang kamay ko at inirapan ulit siya. Binalik ko na lang ang tingin ko sa TV. Wala na akong naintindihan sa pinapanood ko dahil sa lalaking 'to!

"At least, pantay ang bangs ko noong bata ako," sagot ko. Muntik pa akong matawa dahil biglang lumitaw sa utak ko 'yung childhood picture ni Donny na hindi pantay ang bangs niya.

Hindi sumagot si Donny kaya nilingon ko siya. Natawa na ako nang tuluyan nang nakasimangot na siya habang nakatingin sa TV. Tingnan niyo 'to! Lakas mang-asar, pikon naman minsan! Kung hindi lang siya cute, tinadyakan ko na siya!

"O, bakit natahimik ka?" tanong ko habang humarap sa kaniya. Magkatabi kami rito sa sofa. Maayos ang upo ko habang siya naman ay nakasandal at nakaakbay sa likod ng sandalan ko.

Umiling lang siya at hindi sumagot. Lalo akong natawa. "Okay lang 'yon, babe! Pantay na naman ang bangs mo ngayon," pang-aasar ko kahit wala naman siyang bangs.

Sinuklay ko pa ang buhok niya gamit ang kamay ko pero iniwas niya ang buhok niya at lumayo pa sa 'kin. Tawang-tawa ako!

"Since hindi mo ako pinapansin, uuwi na ako," sabi ko at akmang tatayo na. Pero hinawakan niya ako sa braso at hinigit kaya napa-upo na ulit ako.

"Joke lang naman! Eto naman, hindi na mabiro!" sabi niya habang lumalapit sa 'kin. Niyakap pa ako nang mahigpit. "'Wag mo na kasi ipaalala 'yung picture ko na 'yon!"

Natawa na naman ako. "Bakit naman? Part 'yon ng pagkatao mo, 'no. Kaya dapat, i-embrace mo 'yun!" sagot ko. Half serious, half natatawa.

He snorted. "'Wag na nating pag-usapan ang bangs ko noon!"

Cute naman siya sa picture na 'yon, ah? Actually, cute naman si Donny noong bata. Tapos noong lumaki na, syempre, gwapings na siya! Haller! Hindi ko nga lang alam kung dahil ba sa angle o nakatabingi lang ang ulo niya, pero hindi talaga pantay 'yung bangs niya roon sa picture. Lakas niyang tawanan 'yung mga picture ko, tapos noong kaniya na ang tinawanan ko, kulang na lang ay sunugin na niya 'yung picture niyang tinutukoy ko.

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon