DONNY'S POV
Months passed, Belle remained the same. Ang bait niya talaga ngayon. Noong 4 months na ang tummy niya, hinihintay kong magsungit na naman siya at mamato na naman ng remote ng TV. Pero hindi naman nangyari. Not that namimiss kong mabato ng remote, ha? Nasanay lang ako na para siyang dragon na bubuga ng apoy when she's pregnant. Ngayon kasi, hindi siya dragon, eh. Unicorn siya.
"Donato."
Napatigil ako sa pagpo-phone nang bigla niya akong tinawag. Pati sa pagtawag sa 'kin, kalmado lang. Unlike before, 'pag tatawagin niya ako dahil may cina-crave siyang pagkain, abot hanggang kabilang street na ang boses niya. Kadidikit niya 'yan kay Criza!
Tumayo ako at pinuntahan siya sa may shower. She's taking a bath kaya siya nandito. At nandito naman ako kasi binabantayan ko siya. Last time kasi, muntik na siyang madulas dito sa CR.
Hinawi ko ang shower curtains at nakita ko si Belle na nakatayo. Seems like she's done taking a bath na. May towel na siya sa hair niya at naka-bathrobe na rin.
"Nahulog," she said while pointing at the shampoo container na nasa floor.
Medyo malaki na ang tummy niya kaya nahihirapan na ulit siyang yumuko. Nalaman na rin namin ang gender ni baby. And it's a girl! Ah-huh, another little Belle. Quits na kami. Tig-dalawa na kami ng mini me namin. Pero hihirit pa akong isa kasi dapat may lamang sa 'min at dapat ako 'yon!
Pinulot ko ang shampoo at nilagay sa lalagyan bago ako humarap kay Belle. Inalalayan ko siya sa paglalakad. Ayaw na niyang maligo sa bathub namin. Kasi hahakbang pa lang daw siya papunta sa loob ng bathub, napapagod na siya. Wahaha, ang cute!
Ayaw niya rin namang magpatulong sa 'kin sa pagligo. Grabe siya! Wala naman akong gagawing masama sa kaniya! Parang hindi asawa tingin sa 'kin, eh!
Inalalayan ko si Belle hanggang walk-in closet. Pati sa pagbibihis niya, sinasamahan ko siya. Nahihirapan kasi siya kumilos minsan. Tapos minsan naman, tinatamad siyang kumilos kaya ako na ang nagbibihis sa kaniya. Ang kulit pa naman! Mas makulit pa siyang bihisan compare kay Gabbie!
Speaking of Gabbie, hindi na siya nagseselos kay baby. When she found out na baby girl 'yung nasa tummy ng Mommy niya, natuwa siya at gusto na agad palabasin ang kapatid niya. Siya rin ang tuwang-tuwa noong bumili kami ng mga gamit ni baby. She looks so excited! And so we are! We are excited to meet you, baby Sophia!
At dahil medyo malaki ang ang tummy ni Belle, sa guest room na ulit kami nagsa-stay para nasa ground floor. Mahihirapan na si Belle sa pagbaba at akyat sa stairs kaya much better kung dito na kami ulit sa guest room.
Pagkatapos magbihis ni Belle, siya na ang nagsuklay sa buhok niya. Pinapanood ko lang siyang mag-Tiktok sa salamin habang nagsusuklay. Pati facial expressions, pang-Tiktok! Halatang tambay siya lagi sa Tiktok.
"Ang ganda 'di ba?" she said. Akala ko, sarili niya ang sinasabi niya. Sasagot na sana ako ng, 'sobra'. Pero noong tiningnan ko 'yung tinuturo niya, 'yung tulips pala na binigay ko sa kanya noong isang araw.
"Wow!" I exclaimed. Lahat ng flowers na binibigay ko kay Belle, nilalagay niya sa vase tapos dini-display niya sa bahay. Tulad ng tulips na 'to na binigay ko sa kaniya kasi gusto ko lang.
"Lagi mo akong binibigyan ng flowers, may occasion man o wala. Baka sa birthday ko, puno na ang bigay mo sa 'kin, ha?"
Tumawa ako sa sinabi niya habang hinahaplos ko ang likod niya. Nakaupo kasi siya sa harap ng vanity table habang nakatayo naman ako sa gilid niya. Natawa rin naman siya sa sinabi niya.