88: See you soon 🐨

954 23 30
                                    

BELLE'S POV

"Ang lakas pa rin ng ulan!"

Pinapanood ko mula sa bintana ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas. Grabe, halos walang tigil 'yung ulan simula kanina. Buti nga ngayon ay wala ng kulog at kidlat. Pero kanina, sunod-sunod! Hindi naman ako takot sa kulog at kidlat, magugulatin lang talaga ako.

Ang lamig din kahit dito sa loob ng bahay. Papatayin ko nga sana ang aircon dito. Pagsilip ko naman, hindi naman pala nakabukas. Kahit 'yung centralized aircon sa sala, hindi rin binuksan kanina. Hah, mukhang mababa ang electric bill namin this month! Noong summer kasi, muntik na ako mahimatay sa electric bill namin! Wala ba namang patayan ang mga aircon. Kaloka! Muntik ko na isangla si Donny. Charot!

"Cuddle weather, Tink!"

Napalingon naman ako kay Donny na nakangisi habang nakahiga sa kama. Sumunod siya sa 'kin dito kahit wala naman siyang gagawin. Wala lang, gusto niya lang akong sundan. Anino ko to Donny: Ay, wow, sumasapaw!

"Anong cuddle weather? Walang gano'n!"

Tumawa siya at umaktong ihahagis sa 'kin 'yung isang unan. Inambahan ko naman siya ng suntok kaya niyakap na lang niya 'yung ihahagis niya dapat na unan sa 'kin. Subukan niya lang akong batuhin ng unan. Ibabato ko sa kaniya 'tong remote ng TV na nakapatong sa side table!

"Kung makapagsalita ka naman ay parang wala kang ka-cuddle! Halika nga rito!"

Tiningnan ko lang ang tinatapik niyang space sa tabi niya. Ngumiwi lang ako at binitawan ko na ang hinawi kong kurtina. Naglakad ako palapit sa kama. Pero hindi ako tatabi sa kaniya. Alam ko na 'yan, Donato Antonio! Kapag tumabi ako sa 'yo, hindi na naman ako makakalakad. Charot! Hindi tayo makalat for today's video!

"Ewan ko sa 'yo. Diyan ka na nga!" sabi ko at nilagpasan siya.

Agad naman siyang bumangon. "Where are you going?"

"Sa baba. Nagugutom na 'ko!"

"Wait for me!" sigaw naman ni Donny at dali-daling tumayo.

Noong nakita ko siyang nagmamadali ay tumakbo na ako palabas ng kwarto. Sinarado ko pa ang pinto para hindi agad niya ako maabutan. Narinig ko pa ang pagsigaw niya habang tumatakbo na ako sa hallway. Pero hindi pa ako tuluyang bumaba. Nagtago lang ako sa gilid para gulatin siya mamaya.

Makaganti man lang ako sa mga panggugulat niya sa 'kin. Bihira lang kasi siya magulat. Samantalang ako ay hindi yata kumpleto ang araw ko na hindi ako nagugulat. Kape pa, Belle!

Nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, pinakiramdaman ko na kung nasaan na si Donny. Dadaan siya rito sa 'kin kaya pinapakinggan ko mabuti ang footsteps niya. Noong palapit na siya nang palapit, hinanda ko na ang sarili ko para gulatin siya. Akala mo naman, napaka-laking bagay ng pinaghahadaan ko, eh!

"Hi, Donny!"

Successful naman ang naging plano ko. Sa sobrang successful ay pati ako ay nagulat. Pero okay na rin kasi nagulat si Donny! Napatigil pa siya sa paglalakad at gulat na napatingin sa 'kin. Tawang-tawa tuloy ako! Lalo na noong dumiretso siya sa railings ng hagdan at umaktong tatalon na.

[Natatandaan niyo ba 'yung panggugulat moment ni Belle kay Donny noon with Ate Keia? Basta may ganoong pangyayari. Hahaha! - xxxluhanxxx]

Tawa ako nang tawa habang masama ang tingin ni Donny sa 'kin. Pero nakikita ko naman na natatawa rin siya at pinipigilan niya lang. Napaka-arte niya talaga!

Dahil tawa ako nang tawa, iniwan na ako ni Donny. Nagmadali na siyang bumaba at hindi na ako hinintay. Pagbaba ko naman ay naabutan kong naglalaro sina Gabbie at Sophia kasama ng mga stuff toys nila. May nagaganap palang tea party doon. Natawa na naman ako nang makitang kasama nila si Donny doon na todo acting sa harapan ng mga anak niya. Ayan, shot puno, Donny! Imbes na makipag-inuman ka sa iba, sa mga anak mo na lang!

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon