05: BELLEieve

875 29 1
                                    

"Bilisan mo na, Criza! Baka mag-start na 'yung game nila Rhys!"

Pinapanood ko lang magpanic si Kaori habang parang baliw naman si Criza. Naglalagay kasi siya ng mga gamit niya sa locker niya habang naka-ngiti. Ewan ko ba sa babaeng 'yan! Pinilit niya nga lang kaming samahan siya rito kahit ayaw namin, eh. Siya lang naman kasi ang may ilalagay sa locker! Bakit kailangan kasama pa kami? Groupings ba dapat ang paglalagay ng gamit sa locker?

"Huy, kumalma ka, Kao! Mamaya pa magsa-start 'yun," natatawang sambit ni Vivoree sa kaniya.

Last day na ng Intrams namin ngayon. Walang klase pero kailangan pa ring pumasok para sa attendance. Ako, kailangan ko talagang pumasok dahil kasali ako sa volleyball team ng college department namin. Si Kaori, kailangan din talagang pumasok dahil nasa kaniya ang Best Supportive Girlfriend award.

"Bilisan mo na nga, Criza! Ang bagal mo naman kasi kumilos!" reklamo ni Limer. Si Limer naman, pagkain lang ang habol niyan kapag Intrams. Marami kasing mga food stalls sa Campus namin kapag Intrams.

"Wait lang kasi!" Angal ni Criza habang inaayos ang mga gamit niya sa locker niya. "May nai-imagine kasi ako!" dagdag niya. Si Criza, si Joao lang naman ang habol niyan kapag Intrams! Feel na feel niyang makita si Joao na naglalaro ng basketball! Ibang klase talaga!

"Ano namang nai-imagine mo?" tanong ko. Whatever it is na nai-imagine siya, 99.9% sure ako na tungkol kay Joao 'yun.

Mabilis na sinarado ni Criza ang locker niya bago humarap sa 'min na parang baliw na naka-ngiti. "Wala naman! Siguro nakakakilig kapag na-corner ka ng crush mo rito sa locker, 'no?" kinikilig niyang tanong at humampas pa sa braso ko!

"Aba, malay ko! Hindi ko naman na-experience 'yun!" sagot ko. Baka saktan ko lang ang magco-corner sa 'kin dito. Subukan niya lang!

"Ako rin. Matagal na kami ni Rhys pero never naman niya akong cinorner dito sa locker," pagke-kwento ni Kaori.

"No comment ako," sagot ni Vivoree. Si Vivoree, mukha lang 'yang walang crush! Pero crush na crush niya 'yung President ng Student Government Council namin! O, 'di ba? Ibang level!

"Mas lalo naman ako! Baka mamatay pa ako sa gulat kapag may biglang nag-corner sa 'kin dito!" sagot ni Limer.

Sumimangot si Criza sa mga sagot namin. "Wala talaga kayong kwenta sumagot! Hay nako!" reklamo niya. "Sana naman, bago tayo gumraduate, ma-experience ko 'yun!"

"Kapag ikaw, na-corner ng sindikato, ewan ko na lang sa 'yo!" sabi ni Limer bago tumawa. Natawa rin tuloy kami.

"Puro ka sindikato, Limer! Ikaw yata ang sindikato riyan, eh!" sagot ni Criza. Buti na lang, kami lang ang tao rito sa hallway kaya malaya kaming nakakapag-ingay. Mukhang busy ang lahat sa Intrams, ah?

Tumawa naman nang malakas si Limer. "Hindi! Pero, kapag ikaw talaga, na-corner ng sindikato!"

"Hayup ka talaga!" sigaw ni Criza at pinaghahampas pa si Limer. Tumatawa lang kami nina Kaori at Vivoree sa gilid habang nagbabangayan 'yung dalawa. "Bakit sindikato ang mai-inlove sa 'kin?! Pang sindikato ba ang gandang 'to?!" tanong niya while pointing at her pretty face.

"Anong mai-inlove ang sinasabi mo? Cocorner-in ka lang nila kasi yayayain ka nilang sumama sa grupo nila," sagot ni Limer na ikinatawa namin lalo.

"Magre-recruit pala ng members," natatawa kong sagot.

"Girl, hindi siya pwede sa ganoon! Baka ilaglag niya lang ang sarili niyang grupo dahil sa sobrang daldal niya!" sagot ni Vivoree.

Lalong sumama ang mukha ni Criza. "Ayan, diyan kayo magaling, eh! Happy? Happy?" tanong niya sa aming mga tawang-tawa.

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon