70: Nutriboost

1K 23 17
                                    

Bago pa ako maka-react sa sinabi ni Mommy, narinig ko pa ang boses ni Daddy sa background.

[Sabi ni Donny, 'wag daw natin sabihin kay Belle. Bakit mo sinabi?]

Mahina lang 'yung boses ni Daddy. Hindi ko alam kung bumulong lang siya o malayo lang siya kay Mommy sa mga oras na 'to?

[Ay, oo nga pala! Wala na, nasabi ko na!] sagot naman ni Mommy.

Grabe naman! Ayaw niya pang ipaalam sa 'kin, ha! Akala niya siguro, wala akong pakialam sa kaniya kaya ayaw niyang malaman ko na may sakit na naman siya. Hay, Donny. Balik ko sa 'yo 'yung sinabi mo sa last chapter na, 'Asawa mo ako kaya may pakialam ako'. 

"Mommy?" pagtawag ko. Wala na kasi akong maintindihan dahil mukhang nagba-bardagulan na sila ni Daddy. "I'll go there now."

[No! Bukas ka na lang pumunta rito! Gabing-gabi na, Belinda!]

"No, I'll go there."

My husband needs me. Isa pa, inaway-away ko pa siya kanina. Hindi ko man lang siya hinayaang mag-explain. Yeah, mali talaga ako sa part na 'yon. Pero kasi, kapag nasa ganoong sitwasyon ka, hindi ka talaga makakapag-isip pa. Kasalanan talaga 'to ng mga nagcomment na pag-awayin kami rito.

[Bukas ka na---]

Kukurutin ako ni Mommy dahil pinatayan ko siya ng tawag. Bahala na. For sure naman, sesermonan din niya ako pagdating ko.

Tiningnan ko 'yung tatlong bata na natutulog bago ako bumangon. Hindi na ako nagpalit ng damit o kumuha man lang ng jacket. Basta ko na lang hinanap ang susi ng sasakyan. Muntik ko pa makalimutan ang phone at wallet ko.

Hinalikan ko muna isa-isa 'yung tatlo bago ako tuluyang lumabas. Ihahabilin ko na lang muna sila kanila Mommy. Sakto namang nakita ko si Mommy M habang pababa ako ng hagdan. Pinigilan pa ako ni Mommy kasi gabing-gabi na. Nagmakaawa na ako kasi talagang gusto kong puntahan si Donny. Alam ko namang hindi siya pababayaan nila Mommy doon. Pero kahit na. Gusto ko, ako ang nag-aalaga sa kaniya. Ang dami ko ng sakit sa ulong binibigay sa kaniya. Magbabait na talaga ako. 

Sa huli, hindi ako pinayagang umalis ni Mommy. Kausap niya pala si Donny kanina at bilin ni Donny na 'wag ako papayagang umalis ngayong gabi kahit anong mangyari.

Buong gabi tuloy akong hindi makatulog. Namimiss ko na si Donny. Kung sana, pinag-usapan namin 'to agad nang maayos, hindi na sana umabot sa ganito. Kasalanan talaga 'to ng nagcomment. At ng Author kasi nagtanong pa siya!

Belle:

i cant sleep. how are you? :(

My husband:

Im okay

Matulog ka na

Belle:

can we talk?

My husband:

We'll talk when you're ready

Belle:

tomorrow?

i mean later

My husband:

I said when you're ready

Belle:

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon