45: Only time will tell

631 22 9
                                    

Donny:

I miss you 🥺

Belle:

san ka ba?

Donny:

Room 🥺

Belle:

okay

labas ka

Donny:

Nasa labas ka ba?

Belle:

labas ng room mo?

hindi. ano ka, gold?

Donny:

Aba!!

Eh bat mo ako pinapalabas 🥺

Belle:

pag lumabas ka, lalabas din ako

kita tayo sa hallway

Donny:

Huh? Bawal tayong magkita ngayon diba? Malas daw yon

Belle:

feeler ka! para lang yon sa ikakasal the next day!

sina kuya at ate kira ang bawal magkita ngayon

Donny:

Hah belinda

Dadating din tayo sa ganiyan

Only time will tell

Belle:

arte mo hahahaha

lumabas ka naaa

ihahampas ko sa ulo mo tong dala ko

Donny:

Hahaha teka lang naman

Belle:

bilisan mo and take your time HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA charot

Yes, tama ang nabasa niyo. Ikakasal na sina Kuya at Ate Kira bukas. Parang kailan lang, todo deny si Kuya kapag inaasar namin siya kay Ate Kira. Tapos bukas, magpapakasal na sila. Napaka-arte talaga ni Kuya! Paano kaya siya natitiis ni Ate Kira? Ngayon pa lang, naaawa na ako kay Ate Kira. Charot!

Pumunta kami ni Donny sa balcony ng 6th floor at pinagmasdan ang langit habang nakayakap na naman siya sa 'kin. Hindi ko alam kung may lahing tarsier ba si Donny o dati siyang tarsier? Ganito naman talaga siya kahit noon pa. Pero parang iba na ngayon. Parang may kakaiba akong nafe-feel sa pagiging clingy niya. Hmm?

"Belle?"

"Oh?"

Huminga siya nang malalim at binaon ang mukha niya sa balikat ko. Ano na namang problema niya?

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon