38: Tatak

653 14 0
                                    

"Bakit ang dami mong dala?!"

Gulat na gulat si Donny nang makita akong may iilang bag na dala. Sa gulat niya, hindi man lang niya ako tinulungan! Pinanood niya lang akong maglakad palapit sa kaniya! Pati si Daddy na kausap niya, napataas ang isang kilay nang makita ang mga dala ko.

"Hindi naman masyado!" sagot ko.

Pagkalapit ko sa kanila, tsaka pa lang ako tinulungan ni Donny. Kinuha niya ang ilan sa mga dala ko at sinilip pa ang laman ng mga eco bag.

"Baliw ka talaga!" natatawa niyang sinabi bago ako nilingon. "Baka isipin ni Tito, hindi ka na uuwi rito."

Tumingin ako kay Daddy na tumatawa lang. Nakakatawa 'yon, Daddy? Charot!

"Ang OA mo naman! Puro pagkain naman ang laman niyan!" sagot ko sabay irap.

Sa rami ng dala ko, 10% lang yata roon ang mga damit ko. 'Yung 90% ay puro pagkain na.

Saglit pa kaming nag-away ni Donny. Ang aga naman kasi niya mang-asar! Ayan, bardagulan na naman tuloy ang breakfast namin! Yum, yum, yum!

Sinamahan kami ni Daddy palabas ng bahay. Hinatid niya rin kami hanggang sasakyan ni Donny. Ayun pa rin ang walang kamatayan niyang mga reminders sa 'kin at kay Donny.

"Mag-iingat kayo, ha!" paalala niya ulit nang nasa gilid na kami ng sasakyan.

"Yes po, Tito. Ako pong bahala kay Belle."

"Hindi, hayaan mo na 'yan. Malaki na naman 'yan!" sagot ni Daddy. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ang reaction ko.

"Hindi po," natatawa namang sagot ni Donny.

"Anong hindi?" nakakunot ang noo kong tanong.

Lumapit nang bahagya si Donny sa 'kin at bumulong. "Malaki ka na raw, eh. Lumaki ka ba?"

Ayan na naman siya sa panlalait sa height ko! Akala mo naman, hindi siya dumaan sa pagiging maliit! At ilang beses ko bang sasabihin na hindi naman ako maliit! Sadyang masyado lang siyang matangkad kaya maliit ang tingin niya sa 'kin! Tatadyakan ko na 'to!

Hahampasin ko na sana si Donny pero nakatakbo siya palayo sa 'kin. Inirapan ko na lang siya at nagpaalam na kay Daddy. Ang dilim pa ng paligid dahil madaling araw pa lang naman. Gusto kasi ni Donny na ganitong mga oras kami aalis para raw wala lang masyadong traffic. Pumayag na lang ako sa gusto niyang mangyari dahil siya naman ang magda-drive.

Masyado kaming naging busy last week na halos wala na kaming bebe time kaya ngayong week kami babawi. So for today's bebe time, pupunta kaming Batangas para magharutan. Charot! Magrerelax kami roon since ang daming beaches sa Batangas. I love beaches! He loves beaches! And we also loves each other. Aw, katam-es!

"Ang dami mo talagang dala, hindi ako makamove-on!" natatawang sinabi ni Donny habang nagda-drive siya.

Umirap ako at nilingon siya. "Tss! Puro pagkain naman ang laman no'n!"

"Grabe ka naman!" sagot niya habang pasulyap-sulyap sa 'kin. "Para mo namang sinabi na ginugutom kita!"

"Medyo," biro ko.

Si Donny pa ba? Sa sobrang galante niyan, tuwing kakain kami, akala mo may function, eh. Ang daming pagkain! Tapos magagalit sa 'kin kapag hindi ko naubos mga pinagoorder niya. Aba, kasalanan ko ba na pang-fiesta siya kung umorder?!

"Sus," ngisi niya. "Ang sabihin mo, palagi ka namang gutom!"

Kung hindi lang siya nagda-drive, sinabunutan ko na siya! Lagi na lang niya pinanlalaban 'yon sa 'kin! Nabubusog naman ako, eh! Naguulam pa nga ako ng kalapati. Charot!

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon