Jim:
Punta kayo sa club ko mamaya may special guest ako!!!
Gello:
Sino namang special guest mo buddy?
Jim:
Well BGYO lang naman 😎
Limer:
Weh?! BGYO?! Totoong BGYO?!
Kaori:
Hoy buddy wag mo kaming chinacharot ha!
Jim:
Bwiset talaga kayo eh! Mukha ba akong nagjojoke?!
Sophie:
yup
Limer:
Oh ayan na naman kayo!! Hahahahahahahaha!!
Seryoso nga sa BGYO?!
Gello:
Weh?
Jim:
Totoong BGYO nga! As in sina gelo, mikki, jl, akira, at nate!!!
Magpeperform sila mamaya sa club ko 😎
Limer:
Animal ka! Bakit, anong meron?! Hoy, pupunta ako!! Lodi yang BGYO eh!
Jim:
Secret! Pumunta na kayo para mapanood niyo sila ng live tapos kasama pa ako sa performance kasi ako ang 6th member ng BGYO
Sophie:
BAGYO na yun hindi na BGYO kung kasama ka 🤪
Jim:
Hoy pasmado ka talaga sophie ha parang hindi mo ako minahal!
Sophie:
what the hell? hindi naman talaga ah!
---
Lahat talaga ng usapan sa group chat, nauuwi sa bardagulan nila Sophie at Jim. Ang daming nangyari at nagbago pero hindi kasali ang trato nila sa isa't-isa. Gaganiyan-ganiyan pa sila tapos sa huli, sila rin pala ang magkakatuluyan. Kukutusan ko silang dalawa!
Dahil sa binalita ni Jims Reid, clinear ko agad lahat ng appointments ko mamaya. At alam kong ganoon din ang ginawa nila Limer. Basta BGYO talaga ang usapan, gora agad kami! Present nga kami lagi sa lahat ng concerts nila, eh. Sobrang sikat kasi ng BGYO ngayon. Isa sila sa mga PPOP boy groups na talagang kinababaliwan ngayon ng mga tao. At isa kami sa mga tao na 'yon! Award!
Pero mamaya na ako magiging fangirl. Sa ngayon, girlfriend muna ako. Kaya nandito ako ngayon sa condo unit ni Donny. Masyado siyang busy ngayong week kaya hindi na niya ako mapuntahan. Dahil ako naman ang maluwag ang schedule ngayon, ako na ang pumunta sa kaniya. Miss na miss niya na ako, eh. Hay, ano ba? Para 'tong sira!
"Nakakaantok!" sabi ko habang nakahiga ako sa sofa. Katatapos lang namin kumain ng breakfast at inaantok na naman ako. Wala rin kasi akong masyadong tulog kagabi. Kasalanan ng series na pinapanood ko!
"Series pa more!" sigaw naman ni Donny mula sa kitchen. Ako ang nagluto ng breakfast namin kaya siya ang nagligpit. Pero kahit naman hindi ako ang nagluto, siya pa rin ang magliligpit. Wala yata akong kamay sa paningin niya.
Binuksan ko na lang ang TV para libangin ang sarili ko. Pero mas lalo lang akong inaantok sa pinapanood ko. Naramdaman ko na lang na may umupo sa may ulunan ko. Syempre, si Donny 'yun! Kami lang naman ang tao rito!