92: Magandang Buhay

753 21 11
                                    

"Belinda, mahal mo ba ako?"

[Alam kong campaign ad 'yun pero hindi ko na talaga maalis sa utak ko. Hahaha! Naririnig ko 'yung boses ni Donny! Ahhhh! Okay, back to the story. - xxxluhanxxx]

Umiinom ako ng kape nang itanong 'yon ni Donny sa 'kin. Nakapag-kape na ako kanina noong kumain kami ng breakfast pero gusto ko ulit magkape ngayon kaya walang makakapigil sa 'kin! Sinamahan naman ako rito ni Donny at nagkape rin siya. Hindi siya madalas magkape, gusto niya lang talaga akong samahan dito kaya nagkape rin siya. Gaya gaya! Charot!

Binaba ko ang coffee cup ko at tiningnan siya. Nandito kami sa breakfast table sa kitchen at nanonood ng TV. Hindi ko rin alam kung bakit dito pa namin naisipan manood ng TV at hindi sa sala.

"Oo naman. Mahal na mahal kaya kita."

Minsan ko lang sagutin nang matinong sagot si Donny kaya lubusin na niya ang pagkakataong 'to.

Ngumiti si Donny at kilig na kilig sa sagot ko. Nag-360 degrees na naman ang ulo niya. Magiging zombie na yata siya! No way, Cheong-San Pangilinan! Charot!

"Para kang sira, Tink!" sabi niya at halatang-halata sa boses niya na kinikilig siya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyamot sa ginagawa niya?

Napailing na lang ako. "Ikaw 'tong nagtanong, sumagot lang ako. Bakit parang kasalanan ko pa? Ikaw 'tong parang sira, eh!"

Natawa si Donny. "Hindi ko ine-expect na sasagot ka nang maayos, eh! Nasanay ako na binabara mo ako kapag tinatanong kita ng ganoon!"

Tinawanan ko na lang siya at bumalik na ako sa panonood ng TV. Chill lang kami sa araw na 'to. Kami lang ang tao rito kasama sina Ate Marie. Nasa School ang mga bata. Maliban kay Ino na tinamad pumasok kanina. Hindi ko na pinilit pumasok kung talagang ayaw niya. Papasok na naman daw siya bukas, tinatamad lang siya pumasok ngayon.

Wala rin si Sophia rito dahil nasa mga Pangilinan siya ngayon. Maaga siyang sinundo nila Mommy Maricel. Grabe, bakit ba laging mga apo lang ang sinasama nila? Ganoon rin sina Mommy, eh! Nakalimutan na yata nila kaming mga anak nila! Nakakasama naman ng loob!

"Tink, may sasabihin pala ako sa 'yo," sabi ni Donny habang busy siya sa pagpindot sa phone niya.

Saglit ko siyang tiningnan at ang ginagawa niya sa phone niya. Sinong ka-text niya? Block ko nga mamaya. Char! Sinilip ko rin 'yung coffee cup niya. Ubos na 'yung sa 'kin, halos kalahati pa ang kaniya. Ayaw na ba niya? Akin na lang!

"Ano?"

"Kasi si buddy, may friend siya na nagwo-work sa ABS-CBN. Particularly, sa Magandang Buhay na show. Naghahanap sila ng married couple na parehong entrepreneur. So, naisip tayo ni buddy. He's asking me kung pwede tayong mag-guest sa show. What do you think?"

Oh, wow! Artista na ba kami? Hala, gusto ko po ng normal na buhay!

Tumingin ako kay Donny. "You decide."

"Bakit ako?"

"Sa 'kin, okay lang naman. Sa 'yo, okay lang ba sa 'yo?"

Donny is a type of person na kapag hindi niya lubusang kilala 'yung mga nakapaligid sa kaniya, tahimik lang siya. I mean, kahit naman ako, tahimik lang ako kapag hindi ko kilala 'yung mga kasama ko. Pero mas kaya kong makipag-communicate sa ibang tao kahit hindi ko sila kilala compare kay Donny. And that's fine. Sa tagal na naming mag-asawa ni Donny, tingin pa lang niya sa 'kin, alam ko na kapag naka-off ang switch ng mood niya. Kapag naka-off siya, ako na bahala sa 'ming dalawa.

Alanganin siyang tumango. "Okay lang naman."

"Donny, no one's forcing you to say 'yes'. If you're not comfortable with having an interview on the national TV, it's fine with me. Your peace of mind is more important. So, okay lang kung ayaw mo. Okay?"

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon