06: Baked Sushi

797 26 3
                                    

Donny:

Anong oras tayo bukas?

Belle:

kahit ano

Donny:

Sige 5am

Belle:

sige mag isa kang bumili ng 5am

Donny:

Hahahaha joke lang eh

Naiimagine ko na umuusok na ang ilong mo sa inis

Belle:

buti alam mo

Donny:

Hahahaha saya mo talaga asarin belle

Belle:

ako hindi masaya

Donny:

Hahahaha what time nga bukas? You decide

Belle:

mga 10

Donny:

10am?

Belle:

alangan namang 10pm

Donny:

Hahahaha

Grabe napaka sungit mo naman baby

Sige 10am tom

Saan meeting place natin?

Belle:

don sa mcdo na katabi ng market

Donny:

Okay

You want me to fetch you?

Belle:

no need

pero hatid mo ako pauwi yawa ka

Donny:

Hahahaha of course

See you tomorrow!! 🤘

Pabagsak akong humiga sa kama ko pagkatapos kong mainis sa kausap ko. Grabe, hanggang bahay ba naman, umaabot ang pang-iinis niya sa 'kin? Wala man lang ba akong day-off?! Mamamatay akong maaga sa taong 'to, eh!

Akala ko pa naman, peaceful ang buhay ko bukas. Wala kasi kaming pasok bukas dahil nasa seminar ang nag-iisa naming Prof para sa nag-iisa naming subject bukas. Kaya, hindi na rin niya kami pinapasok. Balak ko pa namang mag-movie marathon bukas!

Pero dahil kaming dalawa ni Donny ang nabunot para sa Purchasing team sa Catering class namin, kaming dalawa pa tuloy ang bibili ng lahat ng kailangan para sa function namin sa Friday! Natuwa pa naman ako na hindi ako Restaurant Manager kasi talagang nakaka-stress 'yun! Tapos, napunta naman ako sa Purchasing team! Nakakapagod na nga mamili ng mga kailangan, si Donny pa ang kasama ko!

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon