02: Titig?

1.1K 30 0
                                    

"Ang ganda naman ng boses mo, iha! What's your name?" tanong ni Kuya Genesis pagkatapos ko kumanta.

Nagsigawan pa at nagpalakpakan ang mga baliw kong classmates pagkatapos kong kumanta. Si Criza, hampas nang hampas sa 'kin! Kukurot pa nga sana sa braso ko, eh! Hahampasin ko na sana siya ng microphone! Buti, hindi na niya tinuloy ang pagkurot sa 'kin pagkakita niya sa hawak kong handa na sana ihampas sa kaniya.

"Belle po," naka-ngiti kong sagot. Kumakanta lang ako kapag nasa mood ako kaya kapag may nakaka-appreciate ng boses ko, natutuwa ako. Parang gusto ko tuloy ilibre ng milktea si Kuya Genesis. Char!

"Belle, you have a very beautiful voice and a very beautiful face. Your name suits you, huh," dagdag pa ni Kuya Genesis. Hindi ko na alam kung anong isasagot ko. Kapag may nagsasabi ng ganoon sa 'kin, parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

Bago pa ako makapag-isip ng isasagot, sumigaw si Donny mula sa likod. "Pumila po kayo sa likod, Kuya Gens!"

Tawang-tawa naman 'yung mga lalaki sa likod sa sinabi niya. Nakikipag-apir pa sila kay Donny na parang proud na proud sa sinabi ng kaibigan nila. Napa-iling na lang ako. Hindi yata naintindihan ng iba ang ibig sabihin ng sinabi ni Donny. Isa na si Kuya Genesis doon.

"Ha? Anong pila?" tanong niya kay Donny.

Pero dahil sabay-sabay na nagsalita ang mga lalaki sa likod, wala tuloy naintindihan si Kuya Genesis. Natatawa na lang ako habang naka-ngiwi siya habang pinapakinggan ang mga sinasabi nila Gello.

"Wala akong naintindihan sa inyo!" natatawang sigaw ni Kuya Genesis.

Nag-change topic naman agad si Kuya Genesis. Buti na lang! Baka kapag tinanong niya nang tinanong sina Donny tungkol sa sinabi ni Donny kanina, baka pati siya, malaman ang tungkol sa lintik na baby na 'yan!

Kasalanan talaga ng Globe 'yun, eh! Sa sobrang bilis ng data ko, nagsend na agad ang message ko kahit hindi pa ako tapos mag-type! Awit sa 'yo, Globe!

Pagkatapos ay kung sino-sino na ang sunod na kumanta. Si Criza, nahiya pa kanina at tinuro pa ako! Kakanta rin naman pala! Ang matinde pa sa kanta niya, pagkatapos niyang kantahin ang chorus ay pinasa na niya sa 'kin ang microphone! Anak ng!

"Donny, kantahan mo naman si Belle!" sigaw ni Gello. Nananahimik ako rito, ako na naman ang nakita nila!

Bahagya akong lumingon sa kanila. Nakita ko silang nagtutulakan at nagtatawanan. Si Donny, naghahanap na ng kanta sa song book habang nagtatawanan ang mga kasama niya.

"Belle, bakit nakatingin ka sa 'kin?" tanong ni Jim sa 'kin nang makitang masama ang tingin ko sa kanila. "Hindi ako si Donny, Belle!"

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa sinabi ni Jim! Pero dahil tumawa si Limer, natawa na rin ako! Hanep ba naman ang tawa ni Limer!

Hindi nila tinigilan si Donny hangga't hindi kumakanta. Kaya noong kakanta na siya, lalong umingay ang mga lalaki sa likod.

"Kanino mo ide-dedicate ang kantang 'to, Donny?" tanong ni Gello.

"Sa baby ko!" sagot naman ni Donny. Nagtawanan sila sa likod. Ang lalakas ng saltek ng mga 'to!

Nagsimula na kumanta si Donny. Ang kantang pinili niya ay One less lonely girl by Justin Bieber. Maganda naman ang boses ni Donny. Hinahaluan niya lang ng tawa at kalokohan kaya nawawala siya sa tono.

"There's gonna be one less lonely girl (I'm coming for you)
One less lonely girl (one less lonely girl)
One less lonely girl (one less lonely girl)
I'm gonna put you first (I'm coming for you)
I'll show you what you're worth (that's what I'm gonna do)
If you let me inside your world
There's gonna be on less lonely girl
Only you shawty."

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon