Belle:
mars nagbibirthday ka pa pala?
Criza:
🙂
Belle:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA char lang
happiest birthday sa pinakamaharot kong kaibigan na may mala-megaphone na bibig pero isa sa pinakasolid!! happy birthday, criza joy!! 🥳🥳🥳
thank you for being one of my favorite person! lagi kitang iniinis at sinisira ko moment niyo ni jiwaw but i want u to know how thankful i am for having u! ikaw una kong friend sa college and my college life wouldn't be memorable without u! so thank you, crizaaa! always know that im always here for u! ♥️
so para sa birthday wish ko, sana laging masarap ang ulam mo. sana hindi kayo magbreak ni jiwaw at sana mabuhay ka pa hanggat gusto ni Lord kahit ayaw mo na!! goodluck sa life and career! im always rooting for u! ✊
syempre, ang walang kamatayang 'more birthdays to come!' hahaha i wish u also more happiness in life kasi deserve mo yun! stay strong sa inyo ni jiwaw, ha!!
again, happy birthday, mahfren! i love youuuu so much!! 🥰💕
ps. please kung naiiyak ka sa message ko, wag mo na video-han!!!
Criza:
Criza sent a video
Belle:
KASASABI KO LANG
pero dahil birthday mo, g lang!
Criza:
HAHAHAHAHAHAHAHAHA
THANK YOU BELINDA!!! LOVE U SO MUCH TOO!! ♥️
Hindi ako magdadrama ngayon dahil hindi mo naman birthday 🤪
Thank you talaga mars!! See you later! Punta ka ha!! Magtatampo ako kapag hindi ka pumunta
Kahit magpakita ka lang sakin tapos uwi ka na. Gusto lang talaga kitang makita
Belle:
hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa last sentence mo HAHAHAHA oo punta ako mamaya!!
see you later! enjoy your special day, special child este special person!!
Criza:
HAHAHAHAHAHAHAH YAWA KA
Belle:
labyuuu!
Akalain mo nga naman, nagbi-birthday pala si Criza. Char! At dahil birthday ni kumareng Criza Joy, may celebration sa bahay nila. Actually, last month niya pa sinabi sa 'min na may party party nga sa birthday niya. Para raw makapag-leave na kami sa mga trabaho namin sa mismong araw ng birthday niya. Medyo malas lang ako dahil saktong may event kami ngayong araw kaya hindi ako nakapag-file ng leave! Kaya ang ginawa ng Supervisor ko, nilagay na lang niya ako sa opening para maaga ako makauwi.