10: Jacket

913 22 0
                                    

"Tara sa canteen! Wala pa naman si Sir Rob!"

Etong si Limer, umaga pa lang, nagugutom na yata agad! Kapapasok pa nga lang namin, eh. Wala pang 7 am, oh! For sure, niluluto pa lang din ang mga pagkain sa canteen! Baka nga 'yung iba, bumibili pa lang ng mga ingredients, eh! Kaloka naman 'tong tiyan ni Limer!

"Umaga pa lang, nagugutom ka na agad?! Kumain ka ba sa inyo?!" tanong sa kaniya ni Criza.

Kung si Limer ay umaga pa lang pero gutom na, si Criza naman ay umaga pa lang pero ang taas na agad ng energy! Kung magsalita talaga siya ay parang nasa kabilang building ang kausap niya.

"Makasigaw ka naman!" reklamo ni Limer bago tumawa. Ayan na naman 'yung tawa niyang nakakahawa! "Sige, isigaw mo pa na patay-gutom ako!"

Malakas ding tumawa si Criza. Bukang-buka pa ang bibig niya. Hindi lang langaw ang kasiya sa bibig niya tuwing tumatawa siya. Pati dinosaur, keri na rin! "Wala akong sinabing patay-gutom ka! Grabe ka naman sa sarili mo, Limer! Parang tao ka rin naman!"

At sabay silang tumawa. Kung hindi ko kilala ang dalawang 'to, iisipin ko talaga na baliw sila o takas sa mental. Naghahampasan pa sila habang tumatawa. Buti na nga lang at sanay na sa kanila ang mga classmates namin. Pati mga irreg naming classmates, nasanay na rin sa kanila, eh. Award!

"Ang ingay niyo naman!" reklamo sa kanila ni Vivoree. Natutulog kasi si Vivoree kanina at hindi naman ako magtataka kung magigising siya dahil sa ingay ng dalawang 'to. Nasa gitna namin si Criza, eh. At nasa harapan naman ni Criza si Limer.

"V!" pagtawag ni Limer kay Vivoree. "Ikaw na lang ang sumama sa 'kin sa canteen! Para magising ka naman!"

"Sinong V?" tanong ni Criza.

"Vic Sotto, si Bossing," sagot naman ni Limer kaya natawa kami ni Vivoree.

Tumawa na naman si Criza nang malakas. "Sira! Syempre, si Vivoree 'yon! Ako pa lolokohin mo!"

"Sira ka rin! Alam mo naman pala, nagtanong ka pa!"

Nagkatinginan na lang kami ni Vivoree habang nag-bardagulan na 'yung dalawa. Hay nako! This bardagulan with Limer and Criza is brought to you by: Luto ni Gello. Hindi ganoong masarap, pero pwede na!

Natigil lang ang bardagulan nila nang dumating si Kaori at Rhys. Sa tabi ni Vivoree naka-upo si Kaori habang si Rhys naman ay nasa kabilang side ng classroom katabi nila Gello.

"Kao, samahan mo ako sa canteen!" sabi agad ni Limer. Nilapitan niya agad si Kaori bago pa maibaba ni Kaori ang bag niya.

Natawa naman si Kaori. "Wait lang. Pwede, ibaba ko muna ang bag ko?"

"Pwede naman," sagot naman ni Limer bago tumawa.

In the end, napilit niyang sumama sa kaniya sina Kaori at Vivoree. Si Criza, talagang ayaw sumama. Masakit daw ang paa niya, eh.

"Dali na, Criza Joy!" pamimilit ni Limer. "Ililibre kita!"

Pagkarinig ng magic word, mabilis na tumayo si Criza  at ngumisi nang nakakaloko kay Limer. "Sure! Sasamahan kita kahit saan ka pa pumunta!"

Hindi tuloy alam ni Limer kung matutuwa ba siya o maiinis. "Basta talaga libre, 'no?"

Tumawa na naman si Criza. "Ikaw naman kasi! Alam mo naman ang magic word, hindi mo pa sinabi!" sabi niya kay Limer na parang kasalanan pa ni Limer ang lahat ng nangyayari.

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon