Donny:
Belinda, gusto ko lang sabihin na congratulations, first of all. Salamat sa pagiging isang tunay na kaibigan na talagang sumusuporta sa akin, sa aming lahat. And i just hope you never lose how genuine you are, and how selfless you are, and how humble you are. Kasi I'm sure malayo pa ang mararating mo, sobra. Nakikita ko na grabe yung potential mo. So can't wait to see what the future has store for you and proud ako sayo. Congratulations, Miss Cum Laude! 🥳🥂
Belle:
hi donny! congratulations too! 🥳 this is just a well-deserve success so continue doing what you love and continue the good work. im just so pleased to see you accomplishing great things. so best wishes for you and your new adventure! see you later!
grabe naman tong speech mo, pambungad sa aking morning!
Donny:
Belle, of course, a lot of those memories will be with you soon kasi we're doing a lot of memories together. So thank you for being there to support me as well. And I can't want to spend more memories with you.
Hahahaha nagmomoment lang ako nang slight
Basta sobrang proud ako sayo. And I'm sure yung journey nating dalawa, it's something we're gonna look forward to. Never doubt on yourself.
Belle:
huhu tama na baka magkaiyakan pa tayo hahahaha sobrang proud din ako sayo alam mo yan! tsaka support kita lagi! just believe in yourself, always. BELLElieve! ✊♥️
Kagigising ko lang at message ni Donny ang bumungad sa 'kin. Medyo sabog pa ako at hindi ko pa alam ang nangyayari. Tsaka ko lang narealize na graduation day pala namin ngayon! OMG, this is it!
Grabe rin 'tong si Donny, eh. Umaga pa lang, nagpapaiyak na! Bakit ba siya ganito? Parang gusto ko na lang siya yakapin at yayain magpakasal. Char, grabe ang speed ko na! Kakadikit ko talaga 'to kay Criza!
Sobrang supportive naman kasi talaga ni Donny! Kahit noong mga panahong wala pa kaming something, grabe na ang support niya sa 'kin! Ang solid niyang kaibigan talaga! Isa rin siguro 'yun sa mga factors kung bakit ako nahulog sa kaniya. At okay lang sa 'kin kasi sinalo naman niya ako. Eyy!
Bago pa ako maiyak nang tuluyan dahil sa mga iniisip ko, biglang may dalawang maingay na tao ang pumasok ng room ko. May dala pa silang cake at kanta pa sila nang kanta.
"Congratulations! Congratulations! Congratulations to you!" pagkanta nila. Hindi ko alam kung sinong mali ang tono sa kanila kasi magkaiba sila ng kinakanta.
Habang kumakanta sila, napakamot na lang ako sa noo ko. Umaga pa lang, sabog na sina Ate. Si Jim yata ang tunay nilang kapatid, eh!
"Thank you, Ate, Kuya!" sagot ko pagkatapos ng performance nila.
Hindi lang pala 'yon ang surpise nila dahil may binigay pa silang graduation gift sa 'kin. Pero hindi ko muna bubuksan! Mamaya na, pag-uwi namin. Na-excite naman ako sa gift nila sa 'kin. Last week pa ako nagpaparinig sa kanila at hindi ko naman akalain na bibigyan talaga nila akong gift. Yay!
Yinakap ako nila Ate at siniksik. Hindi ko alam kung masaya lang talaga sila para sa 'kin o balak na nila akong patayin. Kaloka, inipit ba naman ako!