Special Chapter II

662 17 23
                                    

LEANDRO JEREMY

It's Monday. I need to go to school again. I really hate waking up early. Bakit kasi nauso pa 'yung 7AM class? Nakakatamad pumasok. I just want to play Valorant all day. Tapos si Gabbie pa 'yung katapat ko habang kumakain ng breakfast. 7AM class and Gabbie? They're both annoying.

While I'm eating with Gabbie and Sophia, I noticed how Gabbie separates the vegetables from her plate. 'Yung bacon lang 'yung kinakain niya. Aha! Ayaw na naman niya kumain ng vegetables!

"Mommy, si Gabbie po, hindi kumakain ng vegetables!"

Pagkarinig ni Gabbie sa sinabi ko, sinamaan niya ako ng tingin at biglang kinain 'yung mga hiniwalay niyang vegetables. Tawang-tawa tuloy ako. Lalo na noong tumingin siya sa paligid namin at narealize niyang wala naman si Mommy dito sa dining area.

"Kuya Ino!" she said in gritted teeth. "You're annoying talaga!"

I stuck-out my tongue at her. "You're annoying too. Bilisan mo na lang kumain. Tinatamad akong pumasok ngayon pero ayoko namang ma-late."

Ang bagal naman kasi talaga kumain ni Gabbie. Dahil tapos na kami kumain ni Sophia, iniwan na namin si Gabbie sa dining. I went to the CR to brush my teeth.

Pagdating ko sa sala, nandoon si Mommy. Inaayos niya 'yung mga gamit ni Sophia. Napatingin naman ako sa window. Uy, umuulan pala! Hindi naman sa wini-wish kong ma-suspend 'yung classes ngayon, pero parang gano'n na nga.

"Mommy, look! Umuulan po!" I said while pointing at the window. I even put the curtains on the side para makita ni Mommy na umuulan sa labas.

Tumingin sa 'kin si Mommy at sa window. "Mahina lang ang ulan at wala namang suspension. Tumigil ka."

Nakasimangot kong binitawan ang curtains at naglakad na palapit kay Mommy. Tinatamad talaga akong pumasok ngayon.

"Mommy..."

"Hay nako, Ino. Tinatamad ka na naman pumasok," she said. Kinuha niya 'yung wallet niya from the side table at binigyan ako ng allowance. "Here's your allowance. Dinagdagan ko na 'yan para hindi ka na tamarin."

I smiled at her and accepted the money. Wow! 3 days ko na 'tong allowance, ah. Hindi na pala ako tinatamad pumasok!

"Thanks, Mommy! Love you!" I said and hugged her. She hugged me back and kissed me on my cheeks.

I remember before, when I was in Grade 7, weekly ako bigyan ni Mommy ng allowance. Si Kuya kasi, Grade 7 din that time noong tinuruan nilang mag-manage ng sarili niyang pera. Kuya's really good at managing his expenses. Business man in the making talaga. Pero ako? 2 days pa lang ay ubos na ang 1 week kong allowance. Kaya simula no'n, daily na ulit akong bigyan ni Mommy ang allowance.

Nakababa na sina Daddy at Sophia, hindi pa rin yata tapos kumain si Gabbie. Kaya pinuntahan ko na siya. Hindi pa nga siya tapos kumain. Noong nakita niya akong pumasok ng dining area, sinamaan niya agad ako ng tingin. Kaya sinamaan ko rin siya ng tingin.

"Gabbie, 'pag na-late ako ngayon, panget ka talaga!" pang-aasar ko sa kaniya.

"Whatever, Kuya Ino. Mas ugly ka naman sa 'kin!"

"Whatever, Kuya Ino. Mas ugly ka naman sa 'kin!" pang-gagaya ko sa sinabi niya.

Tinatawanan ko pa siya habang naiinis. Binato niya pa ako ng saging! Buti na lang, naiwasan ko kaya hindi ako natamaan. Napatigil lang ako sa pagtawa noong si Daddy pala ang nakasalo ng binatong saging ni Gabbie. Tiningnan niya kaming dalawa ni Gabbie. At... ayun... pinagalitan kami.

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon